SABI ko wala na akong ikakikilig ngayon araw ba ito. Pero ito kilig na kilig na naman ako. Pa’no ba naman itong si Teofelo kinarir na talaga ang panliligaw sa ‘kin. Paglabas ko ng classroom ko nasa labas siya at hinihintay ako. Ang guwapo niya talagang tignan habang nakasandal siya Sa pader at naghihintay sa Akin. “Kanina ka pa ba d’yan?” pinipigilan kong ipakita ang kilig ko sa kaniya. Ngumiti siya, “kain na tayo?” Sa paglapit ko sa kaniya, agad niyang kinuha ang mga dala Kong libro pati na rin ang bag ko. “Kaya ko naman nang buhatin ang mga gamit ko,” kiming saad ko. “I don’t want you to get tired,” ani Teofelo. I bit my lower lip to suppress my smile. Ang kilig ko sobra-sobra, walang-wala sa kilig ko sa mga Oppa ko. May ang kilig ko na naman ng akbayan niya ako habang na

