AFTER THAT dream hindi na ako tumigil na managinip ng kung ano-anong pangyayari na hindi ko alam kung panaginip na Lang ba o kathang isip ko. “Mirasol,” tawag sa Akin ni Teofelo. Nasa mall kami ngayon, naglalakad-lakad Lang kami dito nagpapalipas ng oras. Maaga kasi kaming na dismissed lahat. Kaya nagkayayaan na magpunta ng mall para magpalipas ng oras bago magsiuwian sa kani-kanilang bahay. And as usual kasama na naman ako sa grupo ni Teofelo. Pero ang kaibihan kasama na namin si Devine. Hindi ko alam kung papaano nangyari na naging close siya sa grupo samantalang ang layo ng kurso niya kila Teofelo – Engineering – sabagay kahit naman ako hindi rin naman ako belong sa grupo nila Teofelo na mga grupo ng mga magdo-doctor. Eh isa naman akong Teacher wanna be. “Wala naman, para k

