SABADO ngayon, wala akong pasok sa college wala din akong pasok sa trabaho. Pero ang aga-aga pa lang nakagayak na ako at naghihintay na ako sa tapat ng pintuan namin. Nagbistida pa talaga ako, may konting make-up na pinaliguan ko ng pabango ang buo kong katawan. Plus pa natin ang halos isang oras akong naligo para lang sa araw na ito. Todo effort ako na masasabi kong to the highest level ang paggayak ko. Sabi nga ni Steph kanina, naka-dress to kill ako. Bakit? Kasi si Teofelo nag-ayang makipag-date sakin ngayong araw na ito. Kahapon nang maihatid niya ako galing sa trabaho nagsabi niya na gusto niya akong ilabas. Tapos ang tanong ko nasa labas na kami, na ang ibig pala niyang sabihin ay date. Nahihiya pa nga siyang tanungin ako kung papayag daw ba ako. Naalala kasi niya noong kumain k

