The cursed Chapter 64 FOR THE NTH time I asked Teofelo to pinched. He'll just laugh at me and kiss me instead. "Mahal, totoong nandito ako. Hindi ka Pa rin ba naniniwala hanggang ngayon?" tanong niya habang tumatawa. "Si Ate talaga parang timang," singit naman ng mahaderang kapatid ko. Kung siguro wala akong iniisip na kung tanong kababalaghan ngayon natuktokan ko na ang ulo ni Boyong. Pero pasalamat siya hanggang ngayon para Pa rin akong nagde-daydream na kasama ko si Teofelo. "Hi Tin-tin," bati sa Akin ni Devine. Kasama niya si Kuya Nic na parang asong sunod nang sunod sa kaniya. Kapag nakikita ko itong si Devine, naiisip ko tuloy na nananaginip na naman ako. "Kurutin mo nga ako ulit," bulong ko na naman kay Teofelo. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago ako niyaka

