KANINA PA AKO nahihilo sa paglalakad ni Ate Leonora na paroo’t parito. Pero naiintindihan ko naman siya, nag-aalala lang siya para sa tatay niya na bigla na lang naglaho na parang bula. Magkakasama lang kami kanina sa loob ng sasakyan at ang plano lang naming ay ihahatid namin ni Teofelo ang mga magulang niya at kapatid sa bahay ng mga ito. Pero eto na naman kami naghahanap na naman kami ng taong nawawala. “Anak, maupo ka muna. Nahihilo na ako sa iyo,” saway ng nanay nila Teofelo. Kalmado na siya ngayon habang si Ate Leonora ang hindi mapakali, kanina ang naghi-hysterical ay ang Nanay nila Teofelo dahil sa gulat niya. pero ngayon tahimik na lang siyang nakaupo sa isang tabi at nabaliktad na ang lahat na si Ate Leonora na nga ang hindi mapakali ngayon. “Ina, papaano ako uupo na lang dya

