Dalawang linggo na akong nagtatrabaho mula ngayon sa Innocencio Holdings at sa loob ng dalawang linggo ay marami na akong natututunan. Nakakapressure rin at nakakapagod pero kinakaya ko dahil ito ang pangarap ko. Halos lahat ng projects na napupunta sa amin ni Clark ay bigatin magkasama kasi kaming dalawa sa bawat proyekto at ginagawa namin ang lahat para maging maganda ang plano at mamangha ang mga kliyente namin. And Gladly ay nagugustuhan ng mga kliyente ang mga planong ginagawa namin kung kaya't marami-raming projects pa ang kailangan naming gawin at tutukan. "Vee, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Timmy sa akin ng madaanan niya ako rito sa balcony na aligaga sa sheet. "Mamaya na, Tim tapusin ko na lang 'to," tugon ko naman agad habang ang atensyon ko ay nasa trabaho ko pa rin.

