"Demi, pagkatapos mo riyan sumunod ka agad sa akin sa laundry area ha?" pautos kong wika kay Demi sabay tayo mula sa upuan. Nauna kasi akong matapos sa kanilang lahat sa pagkain hindi ko kasi nagugustuhan ang presensiya ni Lucho rito. "Sige po, Ate sunod po agad ako." Tinanguan ko agad siya ng isang beses saka tuluyan lumabas ng dining area. Pumasok na agad ako sa laundry area upang ihanda ang mga labahin. "You need help?" Kaagad naman akong napalingon sa nagsasalita at ganun na lang ang pag-irap ko ng bongga ng si Lucho ang nakita ko. "Hindi!" madiin kong tugon agad sa kanya. "Pero mukhang marami 'yang labahin mo, tulungan na kita, " giit pa niya. Nakikita kasi niyang hinihiniwalay ko ang puti sa de-color at medyo marami nga ang labahin ko. "Kaya ko na 'to tsaka tutulungan naman

