Natagalan pa bago ako nakabawi sa nangyari naka-awang lamang ang mga labi ko habang nakangitin sa kanyang nakapikit na pagmumukha dahil sa tumilapon na champagne sa pagmumukha niya. Kung bakit kasi ganun ang lumabas na katanungan sa bibig niya? Ilang saglit pa ay bumalik na rin ang huwisyo ko at dali-dali akong kumuha ng tissue at pinunasan ang pagmumukha niya. "Sorry," paghingi ko ng tawad sa kanya ng paulit-ulit habang pinupunasan ko pa rin ang mukha niya. "Ayos lang actually ako dapat ang mag sorry sa'yo kasi binigla kita," tugon naman niya. "Nakakatawa naman kasi ang tanong mo, e," natatawang wika ko at saktong tapos ko ng punasan ang mukha niya. "I'm serious, Vee gusto kitang pakasalan," seryosong turan niya na nagpatigil sa akin. "Lucho, hindi pwedeng mangyari ang sinasabi mo,"

