Mangha kong pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ni Lucho pinauna niya kasi akong pumasok dito dahil may kinuha pa ito sa baba. Napakaganda at napakalinis ng kwarto niya kulay gray at white ang kanyang kwarto panlalaki talaga, meron ding flat screen TV, king size bed at may mini bookshelf din siya. May sarilling banyo rin dito. Grabe 'sing laki na ng sala namin ang buong kwarto ni Lucho. Lahat kaya ng kwarto nila ganito kalaki? Ang amazing naman. Natigil ako sa pagtingin sa buong kwarto niya nang magbukas ang pinto at siya mismo ay iniluwa roon. "For you." May inabot itong maliit na supot sa akin na kaagad ko namang kinuha. "Ano 'to?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Underware," simpleng tugon niya. Samantalang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. Siya bibili na underware sa tikas

