CHAPTER 9

2257 Words
Magkikita ulit kami ni Lucho ngayong araw at hindi ko alam kung ano ang gagawin namin at kung saan kami pupunta hindi man lang kasi ito nagsabi. Pagkatapos kong gumayak ay kaagad na akong lumabas ng kwarto at bumaba. "Aalis ka?" tanong agad sa akin ni Timmy nang makita ako nito. "Oo magkikita kasi kami ngayong araw ni Lucho," tugon ko sa kanya. "Taray! Ingat, mars proteksyon mo ha?" paalala na naman nito sa akin. "Mas masarap kaya kapag wala," pabulong kong tugon. "Ano?" tanong niya dahil hindi nito narinig ang pagbulong-bulong ko. Buti nga. "Wala, mars sabi ko tuloy na ako baka kasi hinihintay na ako ni Lucho." "Sige text mo na lang ako kapag dito ka maghahapunan mamaya, " pahabol pa nitong wika. "Sureness, " tugon ko naman agad saka tuluyang lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate ay siya namang paglapit ng isang magara at makintab na kotse na kulay abo sa harapan ko napaigtad pa ako ng bumusina ito. "Binibini!" Nagulat ako nang makita kong si Sexy ang nasa loob ng magarang kotse. Taray! Daming kotse at may pasundo pa. "Pasok na." Kaagad naman akong sumakay sa kotse niya at umaalingawngaw sa buong kotse niya ang pagbangong gamit nito. A manly and sexy scent. "Dami nating kotse ah." "Ganyan talaga kapag sexy," natatawang tugon naman niya na ikinatawa ko na lang din. Kulit talaga nitong si Sexy. "Namiss kita, Vee," wika niya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Ang sarap na naman sa ears! Makakalimutan ko talagang fake girlfriend niya lang ako kapag ganito siya ka sweet sa akin palagi. "Ako o, yung ano?" pabirong tanong ko sa kanya at alam niya na s*x ang ibig sabihin sa word na ano "Both, but seriously, Vee namiss kita," turan niya at nasa boses naman nito ang katapatan. Dalawang araw kasi kaming hindi nagkita at dalawang araw din siyang walang paramdam sa akin, kanina lang nga niya ako tinawagan, e. Sa totoo lang namiss ko rin siya pero anong magagawa ko, e binabayaran niya lang ako at wala akong karapatang tawagan siya at padalhan ng mensahe dahil baka makaistorbo pa ako sa kanya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nasa byahe na kami. "Sa bahay, remember it's weekend," paalala pa nito sa akin. Oo nga pala, I'm going to meet his family malamang mababait din sila. May ilang minuto na rin siguro kaming nasa byahe nang bigla nitong hininto ang kotse. Agad ko namang inikot ang mga mata ko sa lugar bakanteng lote naman ang mga nandito kaya imposibleng taga rito sila. "Ano— ay!" Nauwi sa pagtili ang dapat kong sasabihin dahil sa gulat. Paanong hindi, e natagpuan ko na lang ang sarilli kong nakahiga sa upuan at si Lucho ang may gawa nu'n. He grind the chair, at hindi pa man din ako nakabawi ay pinapak niya na ang bibig ko. Kung kaya't napaungol agad ako sa bibig niya punong-puno ng pananabik ang halik niya dahil nanghihigop ito. Pumisil na rin ang isang kamay nito sa dibdib ko dahilan para mapaungol ulit ako. Naririnig ko na rin ang pagkalas niya sa kanyang sinturon kung kaya't mabilis ko siyang tinulak at mabilis na umupo sa kandungan niya. Wala na kaming sinayang pang oras dahil tinaas lang ni Lucho ang laylayan ng suot kong dress at nilihis lang ang suot kong underware saka pinasok nito ang kapitan niya sa maria ko. "Oh..." sabay naming ungol. Punong-puno agad ako at parang lalabasan na agad. Nakasabit ang kanang braso ko sa kanang balikat samantalang ang isang kamay ko naman ay nasa matigas niyang dibdib habang gumagalaw sa ibabaw niya. "Bakit ba ang sikip mo?" gigil niyang tanong sabay baba ng strap ng dress ko at kaagad niyang nilantakan ang dibdib ko. "S**t..." ungol ko dahil salit-salitan nitong dinilaan at sinusubo ang dalawang dibdib ko. Habang tumatagal ay mas lalong sumasarap dahil natatamaan na ang sensitive spot ko sa loob. "D*mn, Vee..." ungol ni Lucho nang bumilis na ang galaw ko. Puro ungol at hiyaw na lang din ang maririnig sa aming mga bibig dahil sa sarap ng sensasyon na namamagitan sa amin. Humihigpit na rin ang pagkakahawak ko sa shirt niya dahil nanggigigil na rin ako. "Vee... vee..." Ang pagtawag niya sa pangalan ko sa paungol niyang boses ay tila pahintulot ito sa akin na pwedeng-pwede ko siyang dalhin sa langit na tanging kami lang ang may alam. Sumasabay na rin ang kotse niya sa bawat galaw ko dahil gumegewang-gewang na rin ito. Ilang masarap na giling pa ang ginawa ko sa ibabaw niya bago naming narating ang sukdulan sa labas man niya pinutok ang likido niya ay natamasa pa rin namin ang sarap. Kaagad na nanginig ang buong katawan ko kung kaya't isiniksik ko muna ang sarilli ko kay Lucho. "Get up now, Vee may dadaanan pa tayo." "Sandali lang please." nakapikit kong hiling sa kanya. Hindi pa humupa masyado ang hingal at pagod ko pero itong kasama ko ay hindi man lang napagod. Masuyo nitong hinaplos ang buhok ko na nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam tila punong-puno iyon ng pag-iingat at seguridad. Ang sarap na lang manatili sa ganitong pwesto. Ilang minuto pa ang pinalipas bago ako tuluyang umalis sa kandungan ni Lucho at inayos ang damit ko. "Okay ka na ba?" tanong niya sa akin na may halong pag-aalala. "Yeah, tara na," pag-aya ko na sa kanya. Inayos lang niya saglit ang suot niya saka binuhay ang makina ng kotse at tuluyan na naming nilisan ang bakanteng lugar. Huminto pa muna kami sa isang mall. "May bibilhin muna tayo rito," wika niya. "Pwede bang dito na lang ako?" nahihiyang wika ko. Hindi kasi ako komportableng lumabas at maglakad dahil malagkit ako down there. "Bakit?" tanong naman niya. "Ang lagkit ko kasi sa ilalim," deritsong tugon sa kanya. Hindi na ako magkukunwari pa dahil iyon naman talaga ang totoo. "Okay, I'll just let the aircon open, and promise I'll be quick," wika niya at kaagad na itong lumabas sa kotse niya. Natawa na lamang ako sa kanya dahil inilang hakbang niya lang papasok sa mall tinotoo talaga niya ang sinabi niyang bibilisan niya lang. At ilang minuto lang ay nakabalik na ulit siya sobrang pawisan ito at hingal na hingal may dala-dala pa itong dalawang supot na malalaki na nilagay niya sa back seat. "Sorry ang tagal ko," hinihingal niya wika. "Ayos lang, bakit ka ba kasi nagmamadali ha? Relax lang, sexy ako lang to oh si Binibining Vee mo," litanya ko na may halong pagbibiro sa aking huling sinabi. "Siyempre ayokong pinaghihintay ang binibini ko." Ayan ka na naman, Lucho, e! Pinagpunas ko muna siya ng pawis niya baka kasi magkasakit ito dahil pumasok agad siya sa aircon. Pagkatapos niyang magpunas ay nagpasya na nga kaming umalis. Pumasok ang kotse nito sa isang mala palasyong bahay may malaking fountain sa gitna at ang taas ng bahay. Grabe ganito pala sila kayaman. Napakalapad ng bakuran at ang ganda nang pagkakalandscape ng carabao grass ang gaganda rin ng mga outdoor plants nila. Tila mga hari at reyna ang nakatira sa pamamahay nila. "Tara?" tanong niya na may halong lambing at nilahad din niya ang kanyang kanang kamay. Isang marahang tango naman agad ang tinugon ko sa kanya at saka kami sabay na lumabas mula sa kotse niya. "Good morning po sa inyo!" magalang na bati sa amin ng katulong nilang sumalubong sa amin. "Magandang umaga rin po, " ganting bati ko rin sa Ginang. "Pakikuha na lang po ng malaking supot sa likod ng kotse ko, " utos naman ni Lucho sa katulong. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay at mas maganda pa pala rito sa loob dahil ang gagara ng mga gamit at halatang ang tibay ng pagkakagawa. "Nasa pool area na po sila, Sir," wika ng Ginang na katulong sa amin ni Lucho. Dala-dala na nitong ang supot na pinakuha sa kanya ni Lucho. "Sige puntahan lang namin sila," tugon naman agad ni Lucho sa kanya. Humakbang kami patungo sa elevator na narito sa loob ng bahay nila pagpasok namin ng elevator ay nakita kong number four ang pinindot nitong numero. Hindi ko talaga mapigilang hindi puriin ang bahay nila dahil napakaganda nito at napakayaman ng dating. Sarap namang magpaamon sa pamilya Austria. Pagdating namin sa fourth floor ay mumunting ingay agad ang narinig namin mula sa mga tao na nasa pool area. "We're here!" Kaagad namang napalingon ang mga tao sa aming dalawa. And I was stunned by the beauty of Lucho's family may mga dugong bughaw na nga sila siguro, lalo na ang babaeng may edad na ngunit hindi pa rin matatawaran ang alindog at ganda. Parehas sila ng mata ni Lucho samantalang ang lalaking katabi naman niya ay napakagwapo at napakatikas din namana sa kanya ni Lucho ang matipunong pangangatawan at ang tangkad. "Lucho!" Kaagad ding naagaw ang atensyon ko sa lalaking tumawag kay Lucho. Hindi ako pwedeng magkamali siya ang kakambal ni Lucho at sa palagay ko ay siya rin ang nakita ko sa party noon ni Lucho. "Mabuti naman at nandito na kayo," wika naman ng lalaking may edad. Kaagad naman namin silang nilapitan sa pool area may tatlong babae pa pala rito ang dalawa ay naliligo sa pool nilang heart shape at may kasama pa silang aso. Samantalang ang Isa naman ay abala sa paglagay ng mga pagkain sa mahabang mesa na narito sa pool area. Kamukha ni Lucho ang babaeng naghahain ng pagkain maging ang isang babae sa pool ay kamukha rin nila. "Pop, Moma, this is Vee my girlfriend," pormal na pakilala sa akin ni Lucho sa dalawang taong may edad na siya pa lang mga magulang niya. "Nice to meet you, Vee Caspian nga pala," nakangiting wika ng ama ni Lucho at pakilala rin nito sa kanyang sarilli. "Salamat po, Sir," magalang ko namang tugon sa kanya. "Hello po, Ma'am," bati ko naman sa ina ni Lucho, na pinagsadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakatakot naman itong Moma ni Lucho ang ganda nga ng mata pero kung makatingin ay para kang iihawin ng buhay. "You're so pretty, hija, Laureen nga pala," puri at pakilala rin nito sa kanyang sarilli. Akalain mo 'yun pumasa ako sa standards ng ina ni Sexy. "Good choice, Lucho," sambit niya sa anak. "Of course, Ma ako pa ba?" Yabang! Kahit Nanay niya kaharap niya mahanging pa rin pala siya. "Welcome, Vee," nakangiting saad sa akin ng isang kambal ni Lucho. "Thank you," nahihiyang tugon ko naman agad sa kanya. "Anthonette nga pala," pakilala pa nito sa kanyang sarilli sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Kaaad ko naman itong kinamayan at mas maganda pa pala ito sa malapitan ang tangkad din niya. "I like the color of your skin so pinay," puri pa niya sa kulay ng balat ko. "Salamat, ikaw din ang ganda rin ng kulay ng balat mo pati na mukha mo," ganting puri ko naman sa kanya. "Very well said!" Kaagad naman kaming napalingon sa babaeng nagsalita at kakaahon lang mula sa pool. Ang perpekto ng katawan niya. "Hi, Vee I'm Cherish," pakilala niya sa kanyang sarilli at nilahad din nito ang kanyang kanang kamay. "Hello sa'yo ang ganda naman ng pangalan mo," puri ko sa pangalan ng dilag. Totoo naman kasing nagandahan talaga ako sa pangalan niyang 'sing ganda lang din ng mukha niya. "Anyway, kumain na tayo bago pa tuluyang lumamig ang mga pagkain," wika ni Ma'am Laureen na nagpatigil sa amin. Pumwesto na rin kami agad sa hapag kainan at may tinawag pang isang babae si Ma'am Laureen at pinasabay sa amin sa pagkain. "By the way, Vee this is Margo Xavier's fiancee," pakilala pa sa akin ni Ma'am Laureen sa babae. Nahihiyang ngumiti naman agad ang babae at ang tukoy siguro ni Ma'am na Xavier ay ang kambal na lalaki ni Lucho. Nagkamayan din kami ni Margo at saka na kami kumain. "You know what, Vee after Lucho's first girlfriend ay ngayon na lang ulit nagdala si Lucho ng babae sa mansion," wika ni Ma'am Laureen sa akin habang kami ay kumakain. "Yeah, and Vee is more beautiful than Faith," sabat naman ni Cherish. Nahiya naman ako sa sinabi niya ngunit may kung anong saya akong naramdaman sa puso ko. Feeling ko tuloy totoong mag jowa talaga kami ni Lucho. "Cherish," tawag ni Lucho sa kapatid niya sa nambabala nitong tono. "What? I'm just stating the fact, bro," mataray pa nitong sagot. Ni hindi man lang nasindak sa boses ni Lucho. "That's enough," suway na sa kanila ni Sir Caspian. "Ano nga pala ang trabaho mo, Vee?" pag-iiba ng topic ni Ma'am Laureen. Natigilan naman agad ako sa klase ng tanong niya at sandali pa kaming nagkatitigan ni Lucho. "Let me guess, siguro gym instructor ka? Ang ganda kasi ng shape ng katawan mo, e," sabat naman ni Anthonette. "Pwede, ganyan na ganyan din kasi noon ang katawan ng Moma ninyo," Sir Caspian. Natawa naman agad si Ma'am Laureen dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Well, hanggang ngayon naman may hubog pa rin ang katawan ni Ma'am Laureen kahit na may edad na siya. Masayang natapos ang aming salo-salo sa hapagkainan mabuti na lang din at tuluyan nalihis ang katanungan ni Ma'am Laureen tungkol sa aking trabaho. "Masipaghinga na muna kayo sa inyong mga kwarto," wika ni Ma'am Laureen sa amin. Kaagad na rin silang pumasok sa loob ng kanilang bahay at sumunod naman kami ni Lucho ngunit bago iyon ay makahulugan muna niya akong tinignan at pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Hindi pahinga ang gagawin namin nito kundi kapaguran na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD