CHAPTER 23

2029 Words

NAMASYAL PA sa ibang lugar sina Euna at Ivo. Kahit na puro angal sya dahil kung ano-anong pinagbibili ni Ivo na hindi naman mahalaga. Napapailing na lang sya dahil karamihan sa mga pinamili nila ay para sa kanya. "Hindi mo naman ako kailangan ibili pa ng mga gamit. Sobra-sobra na nga itong relo," aniya habang nakatayo sila sa labas ng isang shoe store sa loob ng mall. Tinaas pa nya ang mga paper bags na pinaglalagyan ng mga items na kanilang binili. Napayuko na lang ang binata saka sya tila sinilip. "Ayos lang naman kasi, Euna. Girlfriend kita kaya gusto kitang ibili ng mga ganito." "Magastos kasi." Ayaw nya rin isipin nito na ubos-biyaya sya dahil hindi naman sya ganoong klase ng tao. Hindi rin sya materialistic. "Alam ko. Kung inaalala mo na baka pera ito ng mga magulang ko, mali ka.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD