CHAPTER 22

2047 Words

SUNOD-SUNOD na pinaghahampas ni Euna ang dibdib ni Ivo. Ito pala ang taong nagtakip ng kanyang bibig nang pupuntahan nya dapat ang kung anong kumaluskos sa may madilim na parte ng hardin. Natatawa ito habang panay ang iwas sa bawat hampas nya. "Easy, easy... Aray!" anito. Tumigil sya at masamang tiningnan ang kasintahan. Muntik na syang atakihin sa puso dahil sa ginawa nito at hindi sya natutuwa. "Tinakot mo ako! Akala ko kung sino!" aniya at napahawak pa sa dibdib. "Bakit mo ba ginawa iyon!?" tanong nya. Ngumiti ito bago ngumisi. "Nakita kasi kita na palapit sa kung saan. E, ang seryoso ng mukha mo kaya naisipan kong gulatin ka," anito saka kumamot sa ulo. Umiling na lang sya saka huminga nang malalim. "Huwag mo na uulitin iyon ah! Hindi nakakatuwa." Lumapit ito sa kanya saka hinaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD