NAGULAT SI Euna nang may matanggap siya na kahon. Dala iyon ni Kimmy na halatang bigat na bigat. Inabot nya iyon at kinuha sa dalaga. Nakangiwi na kasi ito at halatang nahihirapan. "Ano ba yang dala mo, Kimmy!?" tanong nya nang makapasok sila sa kwarto nya. "Saan ba ito galing?" Huminga muna ito bago sumagot. "K-kay Sir Ivo iyan galing, ate. Pinadala sa akin dito." Kumunot ang noo nya. "Bakit daw? Sa akin ba?" "Oo, ate!" Ang mukha nitong pagod at biglang umaliwalas. Lumapit ito sa kanya saka kumapit sa braso nya. "Ate, buksan mo na, dali! Ano kayang laman nyan!?" "Sure ka na sa akin?" "Oo naman! Bilisan mo. Magsisimula na ang party ninyo maya-maya!" Nakaligo na kasi sya at naka-make up na. May damit naman na syang nakahanda para mamaya kaya nagdadalawang isip sya kung isusuot ba ny

