NASA BALKONAHE sina Euna at Ivo ng gabi na iyon. Katatapos lang nila magkasiyahan sa harap ng bonfire at sila lang yatang dalawa ang hindi nalasing. Nakainom si Ivo pero hindi iyon halata. Kung hindi lang nya naaamoy ang alcohol sa katawan nito, hindi ito tingining nakainom. “Inaantok ka na ba?” tanong sa kanya ni Ivo na kinailing nya. Lumapit ito sa kanya saka sya inakbayan. Parehas na silang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin. “Hindi mo sinabi sa akin na mag-bestfriend pala sina Alyson at Maegan noon,” saad nya sa nobyo na halatang nagulat sa sinabi nya. “Hindi ko ba nabanggit?” kunot ang noong tanong nito. Umiling sya. “Hindi. Gulat na gulat ako kanina habang nagkukwento si Alyson sa akin kanina. Ex-boyfriend pala nya yung lalaking sinamahan

