ABALA SA PAGHAHANDA ang mga magulang nina Ivo at Euna sa darating na Linggo. Kahit gustuhin man ni Euna na tumulong, ayaw sya payagan ng mga ito at gusto lang na si Ivo lamang ang kanyang harapin. At aaminin nya na, nahihiya sya lalo na sa mga pinsan ni Ivo. Kahit mababait ang mga ito, ayaw nya pa rin naman na magmukhang prinsesa sya sa mga mata nito. Ngunit pati si Ivo ay kumukontra sa tuwing ipipilit nya na tutulong sya. Pilit sya nitong hinihila sa usapan kasama ng mga pinsan. Kagaya ngayon, nasa swimming pool ang mga ito at kasalukuyang inenjoy ang pool. Mga tawanan at asaran ng mga ito ang maririnig sa buong lugar at kahit hindi sya nakikisali sa mga biruan, nahahawa sya sa pagtawa ng mga ito. “Hayaan mo na lang muna sila mama sa kung anong ginagawa nila. Ang gusto lang siguro nila

