MAAGA PA LANG ay nakagayak na si Euna. High waist maong skirt and korean floral crop top ang naisipan nyang isuot saka high cut converse shoes. Ang buhok nya ay tinali na lamang nya ng pa-messy bun. Naglagay din sya ng light mae-up. Nang masiyahan sya sa kanyang itsura, nag-spray naman sya ng paborito niyang perfume na amoy strawberry cotton candy. Napangiti sya nang malapad nang makita ang kanyang sariling repleksyon sa salamin. Kinuha nya ang ang kanyang korean style sling bag bago lumabas ng silid. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng kanyang mama at ng Tita Shiela nya nang makita sya. May pang-aasar kaagad syang nabsa sa mga mukha nito kaya naman napayuko sya. "Ang ganda naman ng batang ito. Mukhang koryana, ah!" ani Shiela saka ngumiti sa mama nya. "Are you sure na anak mo to?"

