"HINDI AKO SASAMA sa inyo! Bitiwan ninyo ako!" Nagpupumiglas si Maegan habang hawak ng mga ito. "Magpapakasal kami ni Ivo! Bakit ba ayaw ninyo maniwala?" Tumingin ito kay Ivo. "Ivo, tell them! D-di ba?" Umiling si Ivo na animo nauubusan ng pasensya. "Tama na ang kabaliwan mo, Maegan! Tapos na tayo. At ngayon, hindi ako papayag na hindi ka makulong dahil sa ginawa mo sa amin ni Euna." Namumuo na ang luha ni Maegan sa mga mata pero tila nawawala ito sa sariling ngumisi. "Euna? Si Euna na naman!? Ano bang mayroon sa malanding iyon, ha? Mas maganda naman ako sa babaeng iyon!" Tumaas pa ang kilay niya. "Hindi sya malandi! Alam mo kung sino ang malandi sa inyong dalawa, Maegan! Huwag na huwag ka magsasalita ng masama sa girlfriend ko. Baka hindi ako makapagpigil." "Tara na," wika ng isang p

