MGA KALAMPAG SA pinto ang nakapukaw sa isip ni Euna. Kanina pa sya nag-iisip tungkol kay Ivo. Kung ano na ba ang lagay nito o kung kumain na ba ito. Tumayo sya sa pinto at pinagbuksan ang taong nasa labas ng kanyang silid. Hindi pa man sya nakapagtatanong, kaagad na syang hinila ng kanyang ina. Nagmamadali silang lumabas sa sala at nang makarating sila roon, kusang huminto ang mga paa ni Euna nang makita kung ano ang mayroon. May mga pulis na nakauniporme ang nasa sala at seryosong kinakausap ang mga magulang ni Ivo. Lumingon ang mga ito sa kinatatayuan nya. "Ano pong balita?" tanong ni Euna. Lihim na nananalangin na sana ay may good news na hatid ang mga ito. "Na-trace na po namin kung nasaan ang biktima. Naparito po kami ngayon upang ipaalam sa inyo na sisimulan na namin ang operasy

