Calixto's pov "I WAS SO DISAPPOINTED," wika ko kay Rebecca nang minsang nagkaharap kami. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Bakit kailangan ilihim mo Rebecca? Kakambal yun ng ating anak. Sana nang matuklasan ni Gean ang tungkol sa kanyang pagkatao ay sinabi mo na rin ang tungkol sa kanyang kakambal pero inilihim mo pa rin. Hihintay mo pang ibang tao ang makatuklas." "Alam ko Calixto at aminado ako sa kasalanang nagawa ko. Hindi mo lang alam kung paano ako inuusig ng aking konsensya dahil sa mga lihim na yan. Hindi ko alam kung bakit nagpabulag ako kay Wilson. Sinunod ko ang lahat ng kanyang gusto sa kagustuhan kong magkaroon ng anak. Nakalimutan ko na ang tama at mali. Magsisi man ako ngayon ay wala na rin naman akong magagawa. Hindi ko na maibabalik pa ang mga nakaraan na nagawa

