Xavier's pov PALABAS ako ng ospital nang makita ko si Ryan na humahangos kaya nilapitan ko ito. Dinala nito sa ER si Mama kaya tumakbo ako at pinuntahan ko si Papa. "What happen?" tanong pa sa akin ni Papa. Nagtakbuhan na kami papuntang emergency room. "I don't know. Hindi sinabi sa akin ni Ryan dahil agad na kitang sinundo," sagot ko naman. Ang lakas ng kabog ng puso ko ng mga oras na iyon. Kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Kaagad kong nilapitan si Ryan nang makita ko ito sa ER. Nanginginig ang aking katawan dahil sa takot. "Kumusta si Mama?" tanong ko kay Ryan na natataranta rin naman. "Hindi ko alam kuya. Kanina kasi bigla na lamang siyang natumba." Si Papa ay kasama ng ina ni Gean sa loob ng ER. Hindi na kami pinapasok sa loob lalo na at may ibang mga pasyente. Na

