Xavier's pov SUNOD-SUNOD ang tawag sa akin ni Olive pero hindi ko pinapansin iyon. Nagtataka ako sa kanya dahil hindi ito tumitigil sa pagtawag. "Ayaw mo bang sagutin? Kanina pa tumutunog ang cellphone mo," puna sa akin ni Gean nang minsang dalawin ko ito. Pinatay ko na nga ang cellphone ko para lamang hindi na matanggap ng tawag kay Olive. "Si Olive ang tumatawag at kanina pa siya tumatawag sa akin at hindi tumitigil," sagot ko. "Hindi talaga siya tumitigil hangga't hindi ka bumabalik sa kanya," malungkot na wika ni Gean sa akin na mukhang nagseselos. Hinaplos ko ang mukha nito. Nasabi niya rin kasi sa akin ang tungkol sa paghaharap ng mga ito. Hanggat maari ay ayokong bigyan ng dahilan si Gean para magselos . "Wala naman siyang magagawa pa. Tinapos ko na ang lahat sa amin. Nagseselo

