Olive's pov HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin maisip na buhay si Xavier. Lahat ng plano ay nasira dahil sa pagbabalik nito. Nagmamaneho siya ng mga oras na iyon nang tawagan siya ng ama. "Sa pagbabalik ni Xavier ay babagsak tayo, Olive. Alam mo ba yun?" wika kaagad sa akin ni Papa sa kabilang linya. Napakagat labi na lamang ako. "I know... Anong gagawin natin ngayon Pa? Hindi ko alam na hindi pala mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ninyo. Nilaglad niya tayo." "Kahit pa ano ang sabihin ni Xavier ay hindi natin kailangan umamin. Unang-una ay wala siyang ebidensya sa atin para i-connect niya tayo sa sinasabi niya na kasabwat natin si Pinuno at tayo ang protector. Walang kailangan aminin okay? Kahit anong mangyari ay hindi ka aamin sa kanya dahil sa oras na gawin mo 'yon ay sa kangkungan ta

