Ryan's pov NAWALA ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong kasama ni Martha si Santi na bumaba ng sasakyan. Natuwa pa naman ako ng sabihin ni Gean na susunduin nito si Martha at sa aming bahay matutulog pero ang lahat ng tuwa ay naglaho at napalitan iyon ng lungkot. Inakbayan ako ni Ricky. "Kasama pati si karibal," ani pa ni Ricky sa akin kaya napailing ako. Nagkunwari akong masaya na sinundo ko si Martha. Hindi ko maitatanggi na mahal ko na nga ang babae dahil ito lang ang nagpapasaya sa akin. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan ko si Martha. "Hi," bati niya sa akin kaya ngumiti ako. "Mabuti naman ay pumayag ka na dito matulog," ani ko pa. Si Santi ay inakbayan ni Richard papasok ng bahay at ako naman ay naiwan kay Martha. Alam ko na ang ginawa nila. Gusto nilang magkaroon ka

