Martha's pov MABILIS na nagligpit ako ng aking mga gamit nang makatanggap ako ng tawag mula kay Gean. Gusto nitong mag overnight sa bahay nina Ryan. Nang una ay nag-alangan ako pero nang sabihin ni Gean na kasama naman si Xavier ay nawala ang aking pag-aalinlangan. Isa pa wala naman akong gagawin sa bahay dahil day off ko, tiyak na magmumukmok lamang ako sa aking kwarto lalo na at wala naman akong kasama dahil duty ang aking ina sa ospital. Inayos ko ang aking mga dadalhing gamit sa isang backpack pagkatapos ay nilagay ko iyon sa sofa. Hinihintay ko na lamang ang pagdating ni Gean para sunduin ako. Ayon kay Gean ay malayo pa ang mga ito kaya nagulat ako nang biglang may nagdoorbell. Bigla akong kinabahan. Wala ako inaasahang bisita maliban sa akin kaibigan. Hindi ko mapigilan ang hindi ma

