Wilson's pov INIS NA INIS na umuwi ako ng bahay dahil sa ginawang pagsugod sa akin ni Edna sa hospital. Matagal kong iningatan ang lihim ko kay Santi. Inilihim ko na hindi ito tunay na anak ni Sonia----ang aking asawa. Kailanman ay hindi ako nabigyan ng anak ni Sonia dahil palagi itong nakukunan pero alam ko na kahit ano ang gawin ni Santi ay hindi ito matanggap Sonia. Ang alam ng asawa ko ay inampon ko lamang si Santi at hindi ko tunay na anak. Hindi ko rin makasundo si Sonia kung kaya naghiwalay na lamang kami pero ganun pa man ay hindi naman legal ang aming paghiwalay. Isa pa, gusto kong makuha ni Santi ang lahat ng yaman ng pamilya ni Sonia lalo na at legal namin itong adopted. Wala akong napala kay Sonia kaya sana kahit si Santi man lang ay may mapala mula rito. "Kailangan mo ng bum

