Gean’s pov SA HALIP na umuwi nang Maynila si Xavier ay umuwi ito sa bahay nito sa San Joaquin. Maayos naman na ang lahat dahil wala na si Pinuno. Wala na ang banta sa aming mga buhay---iyon nga lang ay nasa paligid pa rin ang taong nagpadukot sa amin. Tiwala naman ako na kaya akong protektahan ni Xavier laban sa mag-amang Romero. Ano pa ba ang hahanapin ko? Malaya na ako. Malaya na si Nanay Edna at ang pamilya nito at ngayon ay malaya na kaming nakakagalaw na walang kinatatakutan. Maliban sa pag-aaral ni Omar at Yael ay nagtratrabaho rin ang mga ito. Kung may iba man akong hihilinhin ngayon yun ay ang gumaling si Tita Monica para makahanap pa nito ang anak na nawawala. Isa pa ayokong masaktan si Papa at ang mga kapatid ko kapag nawala si Tita Monica. Nakangiting nagdala ako ng pagkain pa

