Gean’s pov NAGULAT ako nang makita si Xavier sa loob ng aming bahay. Kausap nito ang mga magulang ko sa sala at nagkwekwentuhan. Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Lumakas ang kabog ng aking dibdib at hindi na ako nakaalis pa sa aking kinatatayuan. Napatingin pa ang mga ito sa akin na tila ba hinihintay ang gagawin ko. Hindi ko namalayan na nakalapit na sa akin si Xavier at kaagad niya akong niyakap. Lalo akong natigilan sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung gaganti ba ako ng yakap o ano. Dagdagan pa ng puso ko na kulang na lang ay lumabas sa lakas ng pagtibok. “What’s going on?” tanong ko kay Xavier habang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig. “Napapahiya naman ako dahil hindi ka gumaganti ng yakap,” sagot ni Xavier sa akin kaya wala akong magawa kundi an

