Rebecca's pov SINADYA kong magpunta sa bahay ni Monica upang dalawin ito. Ayon kasi kay Calixto ay lalo lamang lumalala ang sakit ni Monica at dahil wala naman akong gagawin ngayon sa ospital ay sinadya ko itong puntahan. Si Martha lamang ang kasama ni Monica pagdating niya sa bahay nga ito. "Mabuti naman po at napadalaw kayo Tita," wika sa kanya ni Martha pagkatapos nitong humalik sa pisngi niya. "Wala naman kasi akong gagawin kaya dumaan ako na ako rito. Isa pa, nandun naman ang mama mo sa ospital. Alam kong kayang-kaya niya kahit wala ako," sagot niya naman. "Kumusta ka rito?" "Okay naman po Tita." "Kung nahihirapan ka ay pwede naman akong kumuha ng isa pang nurse para naman makapagpahinga ka rin," ani ko pa. "Mas maigi po siguro Tita. Sa kondisyon po kasi ngayon ni Tita Monica

