Gean's pov SA SOBRANG lakas ng ulan ay sumama na ako kay Xavier pauwi sa kanilang bahay. Usa pa wala rin naman akong dalang sasakyan, sumama kasi ako sa lalaki upang mangampanya sa kabilang bayan kung kaya inabot na kami ng ulan. Sa sobrang lakas ng ulan ay halos wala na silang makita pa sa daan. Mabagal din ang pagpapatakbo ni Xavier ng kanyang sasakyan sa takot na baka maaksidente pa sila. "Sa tingin mo may bagyo?" hindi ko mapigilang tanong kay Xavier lalo na at napakasungit ng panahon. "Hindi ko nga alam... Wala naman akong nabalitaang may bagyo, baka habagat lang," sagot naman sa akin ng nobyo. "Baka nga." Nagulat ako ng biglang napapreno si Xavier sa gitna ng daan. Ilang beses itong nagbusina. Doon ko lamang napansin na may sasakyan itong binubusinahan. "Anong meron?" tanong ko

