Gean's pov HINDI mapigilang ang hindi mapangiti lalo na at alam kong may namamagitan na kay Martha at kay Ryan. Wala naman akong tutol sa mga ito pero nabigla lang din ako dahil ang alam ko ang gusto ni Martha ay si Santi. Masaya ako sa dalawa, isa pa alam ko naman na mahal ni Ryan ang kaibigan ko. Deserved ng mga ito ang maging masaya sa isat-isa. "Ang lalim naman ng iniisip ng mahal ko," wika sa akin ni Xavier ng lumapit siya. Ang plano namin ni Martha ay mamaya pa uuwi at mabuti na lang din at may mga damit si Tita Monica na nagkasya sa akin. Si Martha naman ay may dala itong damit kaya wala itong problema. "Iniisip ko lang si Martha at Ryan, ang saya nila, ng dalawa. Buong kala ko ang mahal ni Martha ay si Santi kaya nagulat ako ng makita ko sila kagabi na magkahawak kamay." "Pwed

