Olive's pov PAGOD na ang mga daliri ko sa kakatawag kay Xavier pero hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang tawag. Kulang nalang ay ibato ko ang cellphone na hawak ko. "Bakit ba kasi hinayaan mo na umuwi?" tanong pa sa akin ni Papa. "Alangan naman ikulong ko siya rito?" "Paano kung nag back na yun?" tanong pa ng ama na panay ang lakad sa aking harapan. "Hindi niya gagawin yun dahil alam niya kung ano ang kaya kong gawin kapag nag-back out siya sa usapan naming dalawa." "Sabihin mo nga sa akin Olive. May itinatago ka ba sa akin?" "Itinatago?" "Ano pang alan mo na hindi ko alam? Kilala kita kapag may tinatago ka sa akin. Baka nakakalimutan mo na ako ang ama mo," paalala pa nito sa akin. "Imposible naman kasing mapapayag mo si Xavier sa lahat ng gusto mo dahil lamang sa nalaman mo na

