Wilson's pov KAHIT pinaalis na ako ng ospital ni Rebecca ay pumasok pa rin ako. Hindi ako papayag na basta na lamang ako paaalisin sa ospital. Napakunot noo ako nang harangin ako ng security guard. "Saan po kayo pupunta sir?" tanong sa akin. "Hindi mo ba ako nakikilala? Doctor ako rito," sagot niyang galit ang boses. "Alam ko po pero ginagawa ko lang ang trabaho ko. Pasensya na po kayo pero ipinagbabawal na po ng may-ari ng ospital na pumasok kayo. Hindi na raw po kayo pwedeng papasukin dito," sagot sa akin ng bodyguard kaya nagpumilit pa rin ako. Dahil sa ginawa ko ay kinaladkad ako ng security guard palabas ng ospital. Ang lahat ng tao ay nakatingin na sa amin, maging ang ilang mga pasyente na naroon. "Bitawan mo ako!" sigaw kong itinulak ang security guard. "Ginagawa ko lang po a

