Santi's pov HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naging rebelasyon sa aking buhay pero higit na mas masaya ako ngayon kapiling ang aking tunay na ina at mga kapatid. Kaagad naman akong nakahanap ng bahay na malapit lamang sa bahay nina Gean. May sapat naman akong ipon kung kaya kong kumuha ng marerentahan pansamantala. Ang plano ko ay bumili ng lupa at magpatayo ng bahay para hindi na kami nangungupahan. Isa pa, gusto ko ring makasama si Nanay. Ang galit ko sa aking ama ay lalo lamang lumaki lalo na nang malaman ko mula kay Nanay Edna kung gaano kasama ang aking ama...Wala itong katulad at hindi ko alam kung bakit naging ama ko pa ang Dr. Wilson na 'yon na walang ibang mahalaga kundi pera. Kailanman ay hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Dapat ay p

