Olive's pov MAHAPDI pa rin ang pisngi niya dahil sa sampal ng kanyang ama. Galit na galit ako dahil hindi man lang iniisip ng aking ama na naghirap din ako at umasa sa pangako ni Xavier na kakalabanin nito ang ama at pakakasalan siya dahil kasama iyon sa kondisyon namin pero nilinlang ako ni Xavier, pinaasa niya lamang ako sa lahat ng kanyang mga kasinungalingan yun pala ay nakipagkasundo na siya sa kanyang pamilya. Gustuhin ko muna na sabihin kay papa ang tungkol sa nangyari ay hindi ko magawa dahil alam kong magagalit lang ito at nangyari na nga. Sinaktan pa ako as if na wala na akong ginagawa. Hindi ko mapigilan ang hindi magdamdam lalo na at ginawa ko naman ang lahat. Akala ko ay makikiayon sa akin ang lahat ng aking mga plano pero hindi dahil muling sinira iyon ni Xavier. Mabilis ak

