"Uuwi nalang muna ako sa bahay, gusto ko kasing makita sina Mama at Papq," paalam ko kay Haussen. Nakaupo lang siya sa sofa habang naka cross legs. Kahapon pa kami hindi gaanong nag-uusap. Hindi niya akp pinapansin sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ba ako nga dapat ang magalit sa kanya dahil nakipag halikan soya kay Cassandra. "Haussen, ang sabi ko uuwi na muna ako," ulit ko. Hindi pa rin siya umiimik. Nakabihis na rin ako at aalis nalang. "Gusto ko rin sanang kunin ang sahod ko," dagdag ko pa. Wala pa rin siyang kibo. Nakaupo lang ito habang nanunuod ng youtube sa cellphone niya. Naiinis na ako sa kanya. Lahat na ginawa ko para mag-usap kami pero hindi niya pa rin ako kinakausap. "Ano ba hindi mo ba talaga ako kakausapin? Ang sabi ko uuwi muna ako at gusto king kunin ang sahod ko

