Hindi mkapaniwala sina Mama at Papa na may fiancee na si Haussen. Hanggang ngayon nakatulala pa rin sila sa akin. Hindi makapagsalita at hindi rin gumagalaw. "S-sigurado kaba anak na may fiancee na ang Haussen na iyon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Papa. "Oo nga po may fiancee na siya at malapit na silang ikasal. Normal naman iyon sa mga mayayaman iyong tinatawag na arranged marriage. Ayaw nga sana ni Haussen e wala din siyang magagawa," sabi ko naman. Napailing si Papa sa sinabi ko. Nagtinginan sila na Mama. "Sayang naman, tsk!" ani ni Mama. "Bakit po sayang Ma? Kawawa nga si Haussen dahil talagang ayaw niyang pakasalan ang babaeng iyon. Kaso ang babae parang mamatay kay Haussen, tsaka binablackmail nila si Haussen no!" sabi ko. Hindi na sila sumagot pa. Bumalik na sila sa pagbaba

