TOM - 10

1383 Words
Old Palace Champange's POV Ramdam kong nakasunod si Azure sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin. Mas lumakas ang iyak na naririnig ko hanggang sa isang babae ang nakita kong nakaluhod at tila may inaabot sa ibaba. Bakit nagkaroon ng mas malalim na parte dito? Gumuho kaya iyon? "Anong nangyayari?" tumabi ako sa babae na halata ang pagod sa mukha. Nakita kong nakahawak sa kanya ang isa pang babae na umiiyak rin. Sila! Sila rin iyong tinulungan namin dati! "Ako na ang bahala. Hold my hand Miss." boses iyon ni Azure. "Hindi ko na po kaya Prin..ce Azure!" humikbi ang babae at nakita kong dumulas ang kamay niya mula sa kamay ni Azure. Subalit naging mas maagap itong Undine na kasama ko. Lumabas ang isang Water Disc na sumalo doon sa babae at maingat siya nitong naiangat pabalik. Pinagpawisan ako doon ah. "Ate!!!" yumakap iyong mas batang babae bago ito bumaling sa amin. "Oh my ghad! Kayo po ulit Princess Champagne, Prince Azure. Salamat po ulit sa pagtulong, sa pangalawang pagkakataon." nagbow siya habang ang Ate niya ay tulala. "Anong pangalan niyo?" tanong ko. "Ako po si Geizza, at siya naman po si Ate Glezza." sagot nito at tumango ako. "Oh wag na kayong maglaro dito hah." paalala ni Azure at tumango ang dalawa. "Sa....lamat po u....lit." nagulat ako ng biglang tumingkayad iyong Glezza at humalik sa pisngi ni Azure. Nag iwas ako ng tingin. So this is his way to flirt huh? Medyo mas mababa sa level ni Flax pero bakit nakakairita? Iginawi ko ang aking paningin doon sa gumuhong parte ng lupa. I wonder what's beneath there. Parang iniimbitahan ako ng dilim na magtungo doon. The next thing I knew, tumalon ako doon at naramdaman ko nalang ang mga pakpak kong tumulong sa akin para makababa ng ayos. "What the hell? Astrid! Umakyat ka na dito!" sigaw ni Azure. Bahala siyang makipaglandian doon sa itaas! Pero paano ako makakapaglakad lakad dito kung wala naman akong dalang ilaw o kahit anong maaring mag guide sa akin? Nagpalinga linga ako hanggang sa narinig ko ang lagaslas ng pakpak ni Azure. Oo lagaslas, gawa sa tubig eh. Moving water. "Hard headed princess." tumabi siya sa akin. "Bakit ba sumunod ka? Hindi naman kita kailangan ah? Doon ka na lang sa taas makipaglandian." nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Stupid mouth! "Are you jealous?" napansin ko ang ngisi niya pero nag umpisa akong maglakad. Bahala na kung sobrang dilim doon, wala akong paki. Mas gusto ko sa dilim kesa sa kasama si Azure. "Your gestures says it all." sinusundan pa rin ako ng isang ito! Bigla na lamang dumaloy ang tubig doon sa gilid ng nilalakaran ko. It turns out na may daluyan talaga doon at napansin iyon ni Azure. Napanganga ako. Sa pagdaan doon ng tubig ay lumiwanag ang daang tinatahak namin. May mga minerals pala doon sa lupa na kapag natamaan ng tubig ay nagrereflect ng liwanag. Ang ganda!!! "You like it huh?" hindi ako sumagot sa sinabi ni Azure. Ganun ba katransparent ang reaksyon ko? O sadyang magaling lang siyang bumasa ng tao? Pababa iyong daan, nakakamangha pero nakakatakot din at the same time. Akala ko iyong Sunkenin City na ang nasa pinakaibabang bahagi ng Arkaios ngunit nagkamali ako. Mas malalim pa ito kesa sa aking inaasahan! I love this kind of excitement, we're going deeper! At hindi ko alam kung anong makikita ko doon. "Ano bang trip mo Astrid? We should go back." hindi ko sinunod si Azure at sa halip ay mas nagmadali ako sa paglalakad. "Astrid!" hinawakan ni Azure ang aking braso at sapilitan akong hinila pabalik. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" sinapak ko siya na naging dahilan upang makalas ang kamay niya sa akin. Tumakbo ako hanggang isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. "Bloody Arkaios!" iyon ang naibulalas ko. Hindi ako makapaniwala! Isang lumang palasyo ang nakikita ko ngayon! Naroon iyon sa gitna ng malaking damuhan na mayroong maliliit na bulaklak. Mas malaki pa nga ata ito kesa sa palasyo namin sa Pyrheus Region! "Ast." nakita kong naging ang hinihingal na si Azure ay napanganga sa nadiskubre ko. Who would have thought na may sinaunang palasyo dito sa kailaliman ng Arkaios? "You're not going inside there Ast." pagpipigil sa akin ni Azure. "Tsk. Come on don't be a kj here." hinila ko na lamang siya papasok sa loob. Nawala na ata ang inis ko sa kanya. Sa halip ay napalitan iyon ng tuwa at kuryosidad. Pumasok kami sa napakalaing wooden double doors ng palasyo. Sumalubong sa amin ang makalumang amoy at makalumang mga kagamitan. Halos lahat ay gawa sa kahoy at marmol. Isang kulay puting grand staircase ang nasa pinakagitna habang sa pasilyo ay maraming pinto ang naroon. Can I live here? Konting ayos lang at linis ay mas maganda na ito sa palasyo namin! Nagtungo ako doon sa mga pinto sa ibabang palapag. May dining area, katabi nito ang kitchen area habang sa kabila ay may tatlong pinto ngunit iisang kwarto ang mapapasukan. Para iyong isang malaking bulwagan! May malalaking chandelier doon at mga mahahabang lamesa na sa tingin ko ay maaaring paglagyan ng pagkain. "Astrid! Maybe this place is a cursed one! Let's go home!" umiling ako kay Azure. "Matatakutin ka pala?" nakangisi kong saad at pasayaw sayaw na umakyat paitaas. Sa pader paakyat ay nakita ko ang mga paintings na kahit sa mga libro ay hindi ko pa nakikita. "I wonder who are they." bulalas ko habang nakatingin doon sa panggitnang painting na may isang lalakeng nakatayo habang ang babae ay nakaupo sa isang kahoy. Puro bulaklak at halaman ang background nila kaso faded na iyon. Pigura na lamang ang makikita ng maayos ngunit ang mga mukha nila ay tila nabura na sa pagtagal ng panahon. "They look the same." finally curiosity hit this guy! "You think so?" tinitigan ko ng mabuti ang malabo mukha ng dalawang iyon. Tama si Azure! Siguro ay magkamukha sila dahil parehas ang hugis ng kanilang mga mukha!!! Pati ang kulay ng buhok nila ay parehas. Kulay ginto iyon na sa tingin ko ay kikinang sa tuwing matatamaan ng sinag ng araw. Napakadako ang aking paningin sa sumunod na larawan. Pahalang iyon at mayroong pitong tao. Apat ay puro bata samantalang ang tatlo ay pawang matatanda na. Naroon na naman ang dalawang may kulay gintong buhok ngunit sa gitna nila ay naroon ang isang babae na kakaibang kulay ng lila ang buhok. Itong palasyo ang nasa likuran nila mas maganda itong palasyo sa painting dahil sa madaming ilaw iyon at buhay na buhay. Ngunit ganoon pa rin ang iyon gaya ng nauna ay kupas na. "Bakit ba parang kilala ko yung apat na bata?" muling pagsasalita ko saka muling humakbang paitaas habang inaalala kung saan ko sila nakita o kung sino ang tila nakikita ko sa kanila. Mas maraming kwarto dito sa ikalawang palapag! At masasabi kong napakaganda talaga dito! May double glass doors sa pinakaunahan na papunta sa magarang terrace ng palasyo. Isa isa akong pumasok sa mga kwarto. Ang una ay mayroong king size bed habang ang pangalawa ay queen size. Sunod ay ang kwarto kulay silver ang mga kagamitan samantalang ang katabi nito ay kulay bughaw. Sa sunod pa ay kulay pula habang ang huli sa kanang bahagi ay kulay brown. Sa kaliwang bahagi ay mayroong silid aklatan na sinundan ng parang isang meeting hall din. Sa pader ng dulo ng pasilyo ay nakaukit ang mga simbolo ng bawat race ng mga Elementals. Napakasarap niyong hawakan. Madadama mo ang maliliit na detalye kahit pa gatuldok iyon. "Astrid! May daan pa dito!" narinig ko ang sigaw ni Azure at nakita ko siya sa unang kwarto. Nakaangat ang kama doon at napansin kong may hagdan doon paibaba. Sa paghakbang ko sa unang baitang ay nagkaroon ng ilaw. Sumunod sa aking si Azure at nakarating kami sa isang silid na puno ng manika at piguring palamuti. "Sht I hate dolls!" nasambit ko at napatago ako sa likod ni Azure. "Di mo kailangang magpretend na natatakot upang makayakap sa akin Astrid." pakiramdam ko ay napunta sa mukha ko ang halos lahat ng aking dugo. Hinampas ko ang likuran niya at pilyo siyang dumaing. Naglakad ako papunta sa isang full length mirror na ang disenyo sa palibot ay mga nakaukit na mga kulay lilang bulaklak. Pinasadahan ko iyon gamit ang aking palad pero halos mapatalon ako sa gulat ng bumukas iyon mula sa gilid. "Ay Azure!" what the heck? Why did I just screamed his freaking name? "Why are you calling me Astrid?" naramdam kong lumapit siya sa akin ngunit nagpatay malisya na lamang ako. "Di kita tinawag ah? Baka multo iyon?" nagkibit balikat ako at kinabig pabukas ang parte kahoy kung saan nakalagay ang salamin. "Woah!" may secret compartment iyon at naglalaman ng napakaraming burloloy! Mga kwintas, hikaw, bracelet na may mga batong kumikinang! "Mayaman ka na Ast!" natatawang saad ni Azure at umirap ako. Hindi naman iyong mga alahas ang nakapukaw sa atensyon ko. May isang tila antigong bagay doon na natatabunan ng bahagya. I felt the urge to get it kaya sinunod ko ang aking insticnt. Kinuha ko iyon at napanganga akong muli. "A broken golden compass?" tanong ni Azure habang nakatitigdin sa aking hawak. Nakakapagtaka, perpekto ang pagkakahati sa compass na para bang sinadya iyon ng kung sino man. "Champagne?" napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan at nakita kong lumabas mula sa isang pinto sila Teal at Carlie. Anong ginagawa nila dito? Paano sila napunta dito? Ang alam ko ay walang nakasunod sa amin ni Azure kanina at iba rin naman ang dinaanan ng dalawang ito papunta dito! Ngunit ang mas nakakapagtaka ay ang bagay na nasa kaliwang kamay ni Teal, ang kalahati ng compass!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD