Secret Visitors
Champagne's POV
Agad akong lumapit kay Teal upang makasiguro na nasa kanya nga ang kalahati ng hawak ko.
"Teal, is that a compass?" tanong ko at tumango siya.
Ipinakita ko ang isa pang kabahagi na hawak ko at nanlaki ang mga mata niya.
"Bakit hindi niyo buuin?" tanong ni Carlie.
"Pano?" sabay na tanong namin ng pinsan ko.
"Bakit hindi niyo muna tingnan kung magkatugma sila?" suhestyon ni Azure.
Aba kahit papano pala ay may lumalabas na useful idea mula sa bibig niya.
Ipinagtapat namin ni Teal ang dulo ng compass at bigla kong naramdaman ang tila magnetic force na humila sa akin at sa compass patungo kay Teal. Nakarinig ako ng tunog ng tila bakal na nagkauntog at para bang naglock. Sumunod ang biglaan naming pagkasilaw sa liwanag na nagmumula doon.
"Oh huwag niyong sabihing magteteleport tayo sa ibang mundo?" excited na tanong ni Teal.
Ilang sandali ang lumipas ay nawala ang matinding liwanag at nakabusangot na mukha ni Teal ang nakita ko.
"I thought we're going somewhere else." hinampas ko siya dahil sa kanyang pag-iilusyon.
Anditopa rin kami sa kwartong puro manika at lumang kagamitan.
"Ugh guys?" itinuro ni Carlie ang compass.
Napanganga ako at maging si Teal ay ganoon din ang reaksyon.
"Woah!" bulalas ni Azure.
Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkakamangha.
Hindi na iyon mukhang napakaluma kundi kumikinang na ito ngayon dahil sa matingkad nitong pagkakakulay ginto.
Nakalutang ang Golden Compass sa ere at umiikot ng marahan.
Hanggang sa gumalaw galaw ang pointer nun at bigla na namang umilaw iyon. Ngunit this time kulay lila ang nagmumula doon at mas mahina ito kumpara sa nauna.
At ang isa pang nakakapagtaka ay sa likuran iyon nanggagaling.
Sabay naming binaliktad ni Teal ang Compass at nakita naming unti unting nagkakaroon ng ukit mula doon.
Isang katawan ng puno na may incomplete circle sa itaas.
Mas lalo akong nagandahan doon. Tila sa paglabas ng ilaw mula doon ay nagkakaroon ng disenyo iyong compass.
"Mauve? Sino yun?" tanong ni Azure.
Napatitig ako sa pangalang lumitaw doon sa ibaba ng puno. Mauve? Baka siya ang nagmamay ari nitong compass?
Dapat ba namin siyang hanapin? Pero saan kami mag-uumpisa?
"Hindi pa ba kaya tayo hinahanap?" tanong ni Carlie.
Tama siya! Kanina pa kami umalis doon at baka makatunog ang Cardinals na nawawala kami.
"Dito tayo dumaan! Mas mabilis dito." saad ni Teal at tinahak namin ang daang pinanggalingan nila kanina.
Kagaya ng nadaanan namin ay naroon ang daluyan ng tubig na umiilaw dahil sa mga crystal at mineral na nakabaon doon.
Di hamak nga na mas mabilis ang daan na ito dahil sa isang pader di kalayuan sa likuran ng pansamantalang palasyo namin kami lumabas.
Mabuti na lamang at walang nangangahas na magpunta dito, hindi naman siguro kami mahuhuli.
"Ano kayang meron?" tanong ni Azure at sinabayan ako sa paglalakad.
Mang-iinis na naman ang isang ito paniguarado.
Hinabol si Teal na kasabay si Carlie at inilahad ko ang aking kamay sa kanyang gilid.
"I'll keep the Golden Compass Teal." walang pagtutol na ibinigay niya iyon sa akin.
Di hamak naman na mas responsable ako kesa sa kanya.
Itinago ko iyon sa secret pocket ng aking Cloak.
"Mga apo! Saan ba kayo nanggaling?" bumungad sa amin sila Grandpa and Grandma.
Nagbeso at nagmano kaming apat bago nila kami pinasunod sa kanila.
"Grammie! Where's Erine po?" I asked my Granma Naia.
"Naroon nakikipaglaro kila Cerulean at sa iba pa." sagot niya sa akin.
"Eh si Roon po?" tanong rin ni Carlie.
"Natutulog hija." sagot ni Grappie.
Kita mo itong si Teal hindi man lang nagtanong kung nasaan si Em.
"Ano pong meron at parang nagmamadali ho tayo?" curious na tanong ni Azure.
Nakakapagtaka nga naman, papunta kami sa kwartong pribado lamang para sa bloodline namin.
"We have two secret visitors and they need your help." tugon ni Grammie at mas lalo akong nagtaka.
Secret visitors? Sino naman?
Pumasok kami sa kwarto at agad iyong isinara ni Grappie.
Halos mapasigaw ako sa tuwa ng mapagtanto kung sino ang mga dumating.
"Tito Drake! Tita Yukie! Mabuti po at ligtas kayo!" yumakap ako sa kanilang dalawa.
"Syempre naman kami pa ba?" nakangising saad ni Tito Drake.
"Shhhh be quiet Champagne." sita sa akin ni Myrtle.
Naririto rin pala sila, sina Bubble, Silv, Flax at Myr.
Ano kayang meron?
"Flax, can you communicate with Tito Terran? I think we should tell them that Tito Drake and Tita Yukie are already here! Safe and sound." umiling si Flax.
Napaface palm ako. Bakit ba nalimutan kong nanganganib rin ang mga Eidolon namin ngayon? Namimiss ko na si Solace.
"You should stay here for good po. Delikado sa itaas." pagkausap ni Teal sa dalawang bisita.
"We can't stay here for long Teal." sagot ni Tita Yukie.
"Why naman po?" tanong ni Bubblegum.
Lumapit sila sa amin maliban sa grandparents namin ni Teal na nakaupo lamang habang nakikinig.
"They will kill us, the Cardinals. Pipilitin nila kaming ilabas si Hueri." teka sino naman iyon?
*(Hueri - read as Yu-ri)*
"Iyon po ba ang anak ni Tita Yuko?" tanong ni Azure.
Matalas pala ang memorya niya?
Napatitig ako sa kanya sandali pero nahuli niya ako kaya tumingin na lamang ako sa aking sapatos.
Bakit ba pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi ngayon?
"Nasaan nga ba ang batang iyon?" sabat na tanong ni Grammie.
"Hindi rin po namin alam kung saan siya dinala ng kapatid kong si Yuko." malungkot na sagot ni Tita Yukie.
It must be really hard for them. Hindi nila alam kung nasaan ang pamangkin nila. Kung buhay pa ba ito o nabiktima na ng kaguluhang nangyayari ngayon sa Arkaios.
"Your Highness? Nariyan po ba kayo sa loob?" napalingon kaming lahat sa double doors.
Boses ata iyon ni Mistress Racie!
Nagkatinginan kaming lahat saka pabalik sa pinto na may mahihinang katok.
"Ah o....oo! Teka lamang!" natataranta maging si Grappie.
"Geez! What should we do?" tanong ni Silver?
Wala akong maisip na paraan kung paano kami makakaalis dito.
"Mga bata dito kayo dumaan." utos ni Grammie at itinuro ang isang bookshelf na nakadikit sa pader. Unti-unti iyong nagbubukas.
"Your Highness? May nangyayari po ba dyan sa loob?" this time ay boses iyon ni Master Damond.
Mga istorbo!
Naunang pumasok sa maliit na passageway sila Tito Drake at Tita Yukie. Naiilawan iyon ng apoy na nanggaling sa aking Lolo Rage. He's still that cool kahit na may edad na.
"Teka saan po kami dadalhin ng daang ito?" tanong ni Flax.
"Sa room namin. Lumabas kayo kapag nakasiguro na kayong walang makakakita sa kanila." sagot ni Grammie.
"Teka saan po namin sila dadalhin?" tanong naman ni Teal.
"Kayo na ang bahala. May tiwala naman kami sa inyo. Basta do whatever it takes just to keep them safe. Hindi sila maaaring makita ng Cardinals." paalala ni Grappie bago ako tuluyang ipinagtulakan papasok doon sa daanan.
Nasa unahan ko si Azure at yumakap sa ilong ko ang napakabango niyang amoy.
I didn't know he can still smell this good kahit na kanina pa kami lumilibot kung saan saan.
"Guys?! Saan natin sila itatago?" tanong ni Myrtle ng makarating kami sa kwarto ng grandparents namin ni Teal.
"I know a place!" sabay namin sambit ni Teal saka kami nagkatinginan at naghigh five sa isa't isa.
Hindi rin talaga maitatangging magkadugo kaming dalawa. Sometimes, are ideas are alike, are reasons and strategies are the same.
"Dapat magkahiwalay tayo ng dadaanan." iyon ang suhestyon ni Carlie.
Sumang ayon kaming lahat at nahati kami sa dalawang grupo.
Padabog kong tiningnan ang lalaking kanina pa dikit ng dikit sa akin. Ayaw niya talaga akong tantanan.
Si Tita Yukie ay nasa likuran ko kasama sila Myr at Flax.
How can I stop this very annoying yet smart guy from bugging my life?
"Champagne, saan ba tayo pupunta?" tanong ni Tita Yukie na pinagsuot namin ng Cloak na kaparehas ng sa amin.
She will pretend to be Bubblegum if ever may magtatanong kung sino iyong kasama naming nakasuot ng hood.
Kunwari ay may nakakahawa siyang sakit. Iyon ang naging ideya ni Myr na aming sinunod.
"A secret palace Tita, for secret visitors like you. You'll love that po for sure!" nakangiti kong saad.
Maging sila Flax at Myr ay tumingin sa akin na tila nagtatanong sila.
I just gave them a sweet smile bago kami patagong lumabas ng sa palasyo at tinahak ang daan patungo sa sikretong daanang natuklasan namin ni Azure kanina.
Mukhang mas mapapadali ang pag-iimbestiga ko tungkol kay Hueri at sa kung anong meron sa kanya dahil narito na ang dalawang taong sobrnag malapit sa kanya.
Kung kaya lang naming kausapin sila Mamay upang masabing hindi na nila kailangang hanapin sila Tito Drake at Tita Yukie ay nagawa na namin.
Ngunit kahit si Myrtle ay hindi sila mapadalahan ng Aerial Message. Puro ingay at ungol ng mga creatures ang kanyang naririnig, she can't connect to them.
Sana ay ayos lang sila, sana makabalik na sila agad dito at matapos na ang madugong kaguluhang ito.
"Tita, mabuti po at nahanap niyo kami?" kung hindi ko kakausapin si Tita ay baka masapak ko Azure na panay ang sulyap sa akin.
I rolled my eyes on him ng muli niya akong tiningnan.
May balak ba siyang tunawin ako?! And why am I affected by his stares? Ghad!
"Kayo ni Teal ang sadya namin." I frowned, bakit kami? Hindi ba ay dapat sila Mamay at Tito Frost ang pakay nila?
"May ibibigay kaming maaring makalutas sa problema ngayon ng Arkaios. Tingin namin kayo ang sagot, kayo Teal ang may kakayahang resolbahin ang misteryo ngayon." halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa kanyang sinabi!
Kami ni Teal? We're going to save Arkaios just like whay Mamay and Tito Frost did before?!
I can't believe this! May magagawa na ako para sa mundo namin! Finally!