TOM - 12

1234 Words
Out of Sight Champagne's POV Ibubulong na sana sa akin ni Tita Yukie ang iba pang detalye ng mapahinto kaming lahat dahil sa isang boses. "Princess Champagne!" napalingon ako mula sa direksyon ng tumawag sa akin. It was Mistress France, ang Pixie sa mga Cardinals. Kumalabog ang dibdib ko, baka makita niya si Tita Yukie. Dapat pala ay binilisan namin ang aming kilos, we need to hide Tita, to keep her out of their sight. Lumapit ako patungo sa kanya at sinalubong niya ako. "Saan po kayo pupunta?" tanong niya at nakita kong sumulyap siya kila Azure. "Mag....hahanap lang po ng lugar kung sa....an ma...aari kaming mag ensayo." nilakasan ko ang aking sagot. Kumunot ang noo ni Mistress France na tila hindi kumbinsido sa aking sagot. "Si Azure po kasi, hinamon si Flax. Ayaw naman po nila doon sa may malapit sa palasyo kaya po naghahanap kami ngayon." sumingit si Myr sa usapan at tumabi sa akin. "Hindi mo ako kaya dude." narinig kong magyayabang ni Azure. Dapat na ba akong magpasalamat sa pagkamahangin niya? Mistress France's face softens. Tila naniniwala na siya. "Pero sino iyong nakakulay pulang cloak?" bakit ba napakadami niyang tanong? "Hindi kita kaya? Asa ka pa! I can beat your ass bro." narinig kong sigaw ni Flax at napatili si Tita Yukie. Tumingin ako sa kanila at nakita kong naglalaban na sila Azure at Flax. Oh great another show started. Naglabas ng espada sila Flax at Azure saka sinugod ang isa't isa. Mabuti na lamang ay nakuha nilang makisakay sa mga alibi namin ni Myrtle. "Myr, ialis mo na si Tita Yukie dito. Pumunta kayo doon sa daang pinuntahan namin ni Azure kaninang umaga. Siguro naman ay nakita niyo iyon hindi ba?" tumango siya sa akin at mabilis na isinama si Tita Yukie sa kanya. "Oh saan pupunta ang dalawang iyon?" tanong ni Mistress France sa akin at itinuro sila Myr na lumilipad ngayon. "Si Carlie po iyon, tatawaging sila Teal para po pigilan ang dalawang ito." sinubukan kong lumapit kila Azure ngunit biglang nagkaroon doon ng mga batong malalaki at malalapad. Paglingon ko ay ganoon rin ang nasa likuran ko. Wow. I'm trapped. Nasisilip kong patuloy na naglalaban sila Azure at Flax ngunit hindi naman sila nagkakatamaan. "Princess, ayos ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Mistress France. "Ah, opo! Kaya na po namin ito. Simpleng hindi pagkakaunawaan lamang po ito. Maari niyo na po kaming iwan. Nagpaalam naman po kami kila Grammie at Grappie." wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Inilabas ko ang aking Black Stick at mas pinakapal iyon saka ko hinampas ang mga batong nakaharang sa daan ko. "What if I like her?" narinig kong tanong ni Flax. Sino kaya ang tinutukoy niya? Nahati at nagtumbahan ang mga bato saka tumambad sa akin si Azure na sinapak si Flax sa panga. Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. "Dude back off!" sigaw ni Azure. Anong back off ang pinagsasasabi nito? Totoong away na ba ito dahil sa isang babae? "Hoy tama na ang acting! Umalis na si Mistress France!" napahawak ako sa dibdib ni Azure ng magtangka siyang sugurin muli si Flax. "Ano ba? Tigil na sabi eh!" I shouted at him at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "He's nothing but a playboy Ast!" napataas ang aking isang kilay dahil sa kanyang sinabi. "Ano ba yang mga sinasabi mo hah?" hindi siya sumagot sa halip ay halakhak ni Flax ang narinig ko. "Chammy! Sagutin mo na nga iyan para hindi na matakot sa presensya kong malapit sayo!" inakbayan ako ni Flax ngunit agad akong hinila ni Azure papunta sa kanya. "You can't flirt with her Flax, I'll kill you once you tried to. And I don't care if you like her." matigas na banta ni Azure. Eh ano kung landiin ako ni Flax? Ano sa kanya iyon? Teka ano raw? Gusto ako ni Flax? "Okay I won't." nagtaas ng dalawang kamay si Flax na tila pinapakita niyang suko na siya. Naunang maglakad si Flax ngunit agad akong kumalas kay Azure upang habulin siya. "Yo.....you like me?" nakatungong tanong ko kay Flax. "I like you Champagne, as my little sister." napasinghap ako sa kanyang sagot. "And Azure won't let anyone to have you, unless it will be him." kumunot ang mga noo ko sa kanyang sinabi. Teka hindi maproseso iyon ng aking utak. "I'm flirting but that doesn't mean I don't love someone truly. I just want to make her jealous and see how far she can bare with my bad side." umakbay na naman sa akin si Flax at napaangat ako ng tingin sa kanya. I'm just a little sister for my crush! Should I cry a river right now? "But, I like you!" pagkoconfess ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya. "That will pass, I'm sorry Chammy." naiintindihan ko naman kung hindi niya ako gusto in a romantic way. Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Ngayon lang naman ako nareject ng ganito. "Sana hindi magkalamat ang friendship natin." inilahad ni Flax ang isa pa niyang kamay. Alinlangan ko iyong kinuha at nakipagkamay sa kanya. I guess this is better than being acquaintances. "Friends." utas ko pero umiling siya "Bestfriends." ngumiti siya sa akin ng matamis kaya't wala na akong nagawa kundi ang ngumiti rin. Minsan talaga nagkakagusto tayo sa mga taong hindi tayo gusto. I don't know why but some people find it thrilling. Making someone who doesn't like you head over heels towards you afterwards. "Dude sabing back off!" nanlilisik ang mga mata ni Azure ng humarang siya sa amin ni Flax. "Bro! No need to worry! I'm his bestfriend and you're the lover. No one can beat you and steal that title." tinapik ni Flax ang balikat ni Azure bago siya sumakay sa isang Earth Disc atsaka kami iniwanan. Anong lover?! Itong si Azure? Lover ko? Heck no! Katapusan na nga ata takaga ng mundo. "Bestfriend! Pahirapan mo ang mokong hah?" sigaw ni Flax bago tuluyang makalayo. "Gago ka pre!" sigaw ni Azure at agad kong tinampal ang pinkish niyang labi. Wait? Bakit ba pinapansin ko ang kulay ng lips niya? "Bibig mo! Lessen your curses Mister." iyon ang nasabi ko bago siya nilagpasan at nagpatuloy ako sa paglalakad. "I won't. Unless you clean my mouth and shut me out by a kiss." tingin ko ay namumula ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. "As if namang hahalikan kita!" sinuntok ko ang braso niya. Ang kapal ng mukha! Napakayabang talaga. "Maybe not now, but eventually you're the one who'll initiate it. The day that you can't resist me will come and I can't wait for it, I'm getting so excited." hinapit niya ako mula sa aking bewang papalapit sa kanya. I stiffened for that moment. Nakita ko sa aking peripheral view ang kanyang ngisi at panandaliang pagkagat sa kanyang pang ibabang labi. Kapansin pansin rin ang pamumula ng kanyang nga pisngi. Why the heck am I in this situation with this guy? "Tara na nga! Kailangan pa nating ayusin iyong tutuluyan nila Tito at Tita!" pag-iiba ko ng topic saka naglakad palayo sa kanya. "Roger Madame!" tumakbo siya upang humarang sa aking dadaanan at sumaludo sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata ngunit natawa ako ng bahagya. I guess he's not that bad after all. "Teka!" hinawakan ko ang sleeve ng kanyang cloak. I'm curious, and I hope it won't kill me? Maybe? "Hmmm?" nilingon niya ako at hinimas ang kanyang baba. Naghihintay sa sasabihin ko. "Wha.....t's with that lover Flax tal.....king about?" narinig ko na naman ang halakhak niya. May mali ba sa tanong ko?! "You heard him loud and clear Ast, don't deny that. Now tell me, what's running in your mind upon hearing that?" tinitigan niya ako sa aking mga mata at agad akong nag-iwas ng tingin. "I'm not joining your game Azure Kyero Oasien Hydrakis." matalim kong sagot. Tumawa na naman siyang muli saka hinanap ang aking paningin. "Whatever you think so Ast. In the right time, you'll realize what's the truth inside here." hinawakan niya ang aking kanang kamay saka iyon iginiya papunta sa kanyang dibdib, sa may puso at dama ko ang mabibilis na pintig noon. "Let's go you player!" agad kong inalis ang kamay ko dahil halos sumabay sa kanya ang t***k ng aking puso. "Don't be so numb, and don't act like a dumb. Flax described me as a lover not a freaking player. I'll always bear that title Champagne Astrid Fierylus Yin. And even you, can't take that away from me." sinabayan niya ako sa paglalakad at muli kong pinalabas ang aking Black Stick. I'm not going to fall into his trap! Never in my life. Alam ko namang inaasar niya lang ako! All his life, ako lang ang tanging pinagtitripan niya, he's cold towards other people. Palibhasa di pa nakakatikim ng matinding galit mula sa akin kaya ako ang napapagbuntungan ng kapilyuhan. Kinakaya kaya niya lang ako. Kung hindi lang ako nahihiya sa parents niya, matagal ko na siyang pinatulan at nagulpi. "Don't go near me you evil Undine! Alam ko yang style mo at hindi mo ako mabibiktima!" pinahaba ko ang aking Black Stick saka iyong pinatama sa sikmura ni Azure para makalayo ako sa kanya. I don't want him to see me in this state, I think my entire face is as red as Carlie's hair right now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD