Almost
Champagne's POV
Pagdating namin sa lumang palasyo ay naglilinis na sila Teal at makahulugan silang tumingin sa akin at sa kasunod kong Azure.
Oh those crappy and malicious minds! I wanna smash them.
Joke.
"Nasaan sila Tito at Tita?" I asked Teal not minding his evil grin.
"Nasa taas nagpapahinga." sagot niya.
"Chammy! Gusto ko na rin dito tumira! Para kasing ito yung tipo ng palasyo na sa fiction books lang makikita!" umangkla sa aking si Myr ngunit napailing ako.
"We can't stay here Myr. Hindi pwedeng malaman ng Cardinals ang sikretong palasyo na ito. Lalong hindi nila pwedeng makita sila Tito at Tita." napatawa ng malakas si Myr at hinampas ang braso ko.
"Ano ba yan ang seryoso mo masyado eh! Hindi mo nalang sinakyan ang trip ko. Naku Chammy!" natatawa niya pa ring saad saka nakita na rin ang iba pa naming kasama.
I stomped out and went upstairs. Ako na naman ang napagtripan. Pagbubuhulin ko kaya sila?
Napagpasyahan kong puntahan ang kwartong kung saan naroong ang sikretong lugar kung saan namin nakita ang kalahati ng compass.
Pagkapasok ko ay agad kong kinuha ang compass sa aking bulsa at nakakamanghang makita na gumalaw ang pointer noon.
Nakaturo iyon sa Silangan, palabas ng kwarto?
Nanlaki ang mga mata ko ng nagkaroon ng liwanag na kulay lila ang pointer. Marahang umangat ang liwanag at naging isang pinong linya na gumagalaw mag-isa.
Tumagos iyon sa salamin ng compass at umikot ikot pa muna sa ere bago tuluyang tumagos sa pintuan.
Sinasabi ba nitong lumabas ako at sundan iyon?
Kibit balikat kong sinunod ang compass at dinala ako nito sa kwartong may queen size bed.
Bakit kaya dito?
Binuksan ko ang pinto at nakita ko sila Tito Drake at Tita Yukie na natutulog.
Wait, baka mali naman itong compass?
Mas humaba iyong lilang linya at nakita kong pumunta iyon sa cloak ni Tito Drake.
Anong meron doon?
Out of curiosity na tinuro sa akin ng Manarens ay dahan dahan akong lumapit sa side table king saan naroon ang cloak.
Kinapa ko ang bulsa noon at nakuha ang isang kwadradong bagay.
A journal?!
Kulay brown iyon at naninilaw na ang dulo ng mga papel.
Binuksan ko sa unang pahina ngunit iisang letra lamang ang naroon.
E
Sa sumunod na pahina ay blangko, sa isa pa ay ganoon din at maging sa dulo ay walang nakasulat.
Nakakapagtaka. Anong trip ni E?
Tumagilig si Tito Drake at agad kong binalik ang journal at cloak saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba at pagkahapo.
Nagitla lamang ako ng may humawak sa aking balikat.
"Lunch's ready Ast." sino pa nga ba iyong lagi na lamang sumusulpot sa paligid ko?
"Susunod na ako Az." I answered at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"What happened to you?" tanong niya sa akin.
"Wala, nag exercise lang ako sa tabi tabi." sagot ko at kinurot niya ang aking pisngi.
"You're exercising? Hmmmm, do more cause you're getting fat this past few days." he grinned at me at sinapak ko siya.
Alam na alam niya kung paano sisirain ang araw ko.
"Kapag ako pumayat! Leche ka talaga!" hinarap ko siya at kumuha ng lakas sa isang malalim na buntong hininga bago ko iyon sinipa, ang iniingatan niya sa gitna.
I heard him grunted and cursed but I don't care so I immediately went downstairs.
Serves him right.
Nakita kong iilang bahagi na lamang ang hindi nila nalilinis and I'm feeling guilty na ni kahit magwalis ay hindi ko nagawa maybe babawi ako next time.
"Dude! Wag namang ganyan! Lagi nalang nakasimangot si Chammy. You should make her happy, not the other way around." kumuha ako ng iilang mga pagkain at nakita ko si Azure na paika ika ang paglalakad.
Mukhang napalakas ang ginawa ko pero kasalanan niya naman iyon.
"Wait bago niyo yan sermunan, hayaan niyo munang magbanyo. Mukhang kailangang maglabas ng sama ng loob." natatawang saad ni Myr ngunit hindi iyon ang ginawa ni Azure.
Instead, he sat right infront of me at alam kong nakatitig siya sa akin.
Mas lalo kong binilisan ang pagkain.
"What did you do to him?" bulong ni Carlie ngunit hindi ako sumagot.
Paubos na ang laman ng plato ko ng tumama ang gilid ng aking palad sa lamesa.
Oh geez I'm bleeding.
Nalaglag ko ang aking kutsara pati tinidor ng hindi sadya at nakita kong natuluan iyon ng dugo.
Gumapang ang kaba sa sistema ko.
"For Coonie's sake! Bakit may pako dito?" naagaw ko ang atensyon nilang lahat at dinaluhan nila ako.
Azure can now walk normally, what should I expect with him? He's an Undine!
Hinawakan niya ang kamay ko at uni unti nawala ang hapdi doon.
Pero yung kaba ko, hindi pa rin humuhupa. The spoon and fork with blood, it scares me.
"I...I need to go back." utal kong sambit at umalis.
I have this eerie feeling. Ugh.
"Ast. Sorry." sinusundan na naman niya ako?
Wait? Did I heard him right? He said sorry?
Walang imik na nakabalik kami sa palasyo at hinanap ko ang aking kapatid.
"Ate! Makikita ko pa ba si Sirius?" Tangerine asked me.
"Of course Erine." I patted her head at ginawa niyang unan ang aking hita.
Usually kay Mamay siya ganito but since wala sila, ako muna ang magbabantay sa kanya.
Sila Mamay at Papay! The spoon and fork mean a lady and a man! But with blood? Heck no. I'm just over thinking things.
"Tumabi kayo!" narinig ko ang boses na natataranta ni Master Damond.
What's happening?
Inihiga ko ng ayos si Erine, katabi si Roon at Chil saka ako lumabas ng kwarto.
Si Azure na nasa kabilang kwarto ay lumabas rin, probably he heard it too.
Nasaan na kaya sila? I'm pretty sure na may mga tao sa labas kanina.
"There Ast!" tinuro ni Azure ang kwarto sa dulo ng hallway, iyon ang isa sa mga malalaking kwarto dito. Pumasok doon si Master Damond at sumunod kami.
Tila nagkakagulo sa loob kaya agad kong binuksan ang pinto at halos bumagsak ako sa sahig dahil sa nakita ko.
Naramdaman ko ang pagsuporta sa akin ni Azure.
Mabuti na lamang at nasalo niya ako kung hindi, baka hindi ko na nagawang tumayo pa at lapitan sila Mamay at Papay na inilalagay sa kama.
"Ma.......ay, Pa........ay." niyakap ko ang sugatan nilang katawan.
I can't believe this can happen to them! This is a mad nightmare!
Tumulo ang mga luha ko. Kita ko ang paghihirap nila sa paghinga, ang mga sugat at pasa sa buong katawan nila at ang panghihina.
Primos is on a wickedly sicked condition! They have must gone too far with their powers. And maybe their enemy is that strong. They are dying right now, and I hate this sht. I'm scared that Mamay and Papay will leave us!
Labing anim na silang humarap sa kalaban, yet ito ang kinahinatnan nila. Naghirap sila ng todo samantalang ako ay naririto, nagtatago, walang magawa. Anong klaseng anak ako? Anong klaseng prinsesa ako?
"Princess Champagne, Prince Azure kailangan po namin silang magamot. Lumabas na po muna kayo." utos ni Mistress Racie.
Tiningnan ko si Azure na lumuluha rin but still he managed to go to me, umalis siya sa tapat ng parents niya.
"Le.....let's go Ast." narinig ko ang isa niyang hikbi.
"I want to talk to Mamay and Papay! Hindi ako aalis! I'm not going to leave them!" winaksi ko ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko.
Sinubukan niya akong buhatin ngunit hindi siya nagtagumpay.
Natigil lamang kami sa pagtatalo ng may humawak sa kamay ko.
"May! Oh holy Pandarens! May! What happened? May! Pinag-alala mo ako! May! Magpapagaling kayong lahat okay? I love you May! Don't you dare to leave us, I don't want that. You and Papay will stay, babalik tayo sa dati." sunod sunod na sabi ko at napaluhod na ako habang nakahawak sa mukha ni Mamay.
Ilang araw ba silang nawala? She got thinner and paler, lahat sila ay ganito ang pangangatawan ngayon.
"Cham.....pagne, we al......most did it but we fai.....led. Now, you're our on.....ly hope. Ka.....yong mag.....kakaibigan. Please, save us in this night.....mare." kung sila nga walang nagawa paano pa kami? Pero isinantabi ko ang realization na iyon at tumango kay Mamay.
"Be bra.....ve, it's so sca.....ry out there......the bea.....st, you need to kill it." it was her last sentence until she passed out.
Nawalan na ulit ng malay si Mamay.
Sa sobrang panlulumo ko nagawa na akong kargahin ni Azure palabas ng kwartong iyon. Hindi na ako nakapagprotesta pa.
I don't really know what happened to them but they have must gone through the worst battle. Rampage hit them and almost killed them.
Gulong gulo ang utak ko hanggang sa ihiga ako ni Azure sa isang kama.
"You should rest." how can he manage to be this calm kahit pa ganoon ang kinahinatnan ng parents niya?
Akmang bubuksan niya ang pinto ay binalikan niya ako.
Naririnig niya pa rin ata ang pag-iyak ko. I can't help it. They were my beloved parents! Ang sakit na makita silang nasa ganoong kondisyon.
"We'll get through this Ast, we will try our best to defeat that beast your Mamay said." niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko hanggang sa maging siya ay hindi na napigilan ang pagtaas baba ng balikat.
We cried on the shoulders of each other.
There's a little hope by his words. At ngayon ay nagpapasalamat akong naririto siya, kung hindi baka kanina pa ako nagbreakdown. I need someone by my side, baka mabaliw ako.
I unconsciously hugged him back. And it's confusing me. He's a coldskin but why can his presence give me this coziness, he's warmer than the sun's rays.
I don't know kung papaano ko ito sasabihin sa kapatid ko, kila Teal at sa iba pa pero ang kailangan ko muna ata ngayon ay ang magpahinga.