Another Journal
Champagne's POV
Two days had passed since when Primos came back. Luckily, bumubuti na ang kondisyon nila pero wala pa ring nagigising ni isa man sa kanila.
Napabuntong hininga ako ng malalim, dalawang araw na rin kaming hindi makakain ng ayos. We really don't know what to do.
Hindi naman pwedeng manatili na lamang kami dito sa Sunkenin City, we need sunlight. At kokonti lang ang resources mula dito sa underground.
We can't stay for long. Kakailanganin naming umalis dito pero saan kami pupunta? Kung lalabas kami paitaas, the mad creatures will attack us, or worst the beast might kill us.
"Why don't we go to Tito Drake and Tita Yukie?" it was Teal's suggestion.
Naikwento ko na sa kanya ang nangyari sa compass at sa empty journal na tinuro nito sakin.
"You think may maitutulong itong trinket ni Mauve?" I asked him and he nodded.
He then showed me an old small book.
Arkaios' Myths
"Wait, is that a fiction book?" tanong ko sa kanya.
"Sort of pero nabanggit dito si Mauve." binuklat niya sa medyo panghuling bahagi ang libro at nakita ko doon ang imahe ng compass na hawak ng isang babae.
Magkamukhang magkamukha ang nasa libro at ang compass na nabuo namin ni Teal.
Mauve, a lady who always collect jewelries and figurines. But her most treasured trinket is her Golden Compass.
It was given to her by a noble guy who also happens to be her one and only true love.
But on the day of their wedding, she was killed and her body was nowhere to be found. Only her compass was seen with blood stains and her supposed to be husband buried it down to the core of Arkaios.
Napatingin ako kay Teal matapos kong mabasa iyong tungkol kay Mauve at sa trinket niya.
"Some says it is a cursed item." should I believe those rumors?
"Cursed? But what I can feel with this is hope. This might lead us to the answers we need Teal. At sabi mo nga fiction lang yang nasa aklat. I should follow my instincts." tumayo ako at lumabas sa library.
Hindi ko pinansin ang lalakeng nasa gilid ng pinto, tila may inaantay na kung sino.
Dire diretso akong naglakad, pupunta ako sa sikretong palasyo.
"What the heck?" mabilis ang mga pangyayari, madulas ang bahaging iyon ng hagdan at nabiktima ako.
I almost tumbled down when somebody grabbed my hand and pull me close to him.
"You're so occupied you didn't even noticed my trap." humalakhak siya at agad ko siyang tinulak sa kanyang dibdib upang magkalayo kami.
Why is my heart beating fast? Ugh, maybe because I slipped, yeah right that's it.
"Wag mo akong simulan Azure! Baka hindi lang pilay ibigay ko sayo." sa kabilang side ako ng hagdan dumaan upang iwasan iyong step na basa ng tubig.
Kaya pala siya nakaabang kanina sa labas, he wants to see my fall.
"Come on give it to me Ast." nagdilim bigla ang paningin ko sa kanyang sinabi.
Talagang hinahamon ako ng isang ito!
Pinaulanan ko siya ng maraming Black Aura Balls at pinatalsik gamit ang ang Black Stick.
Ni hindi man lang siya nakailag. So weak of him.
Marahan siyang tumayo ngunit tila hindi niya iniinda ang mga sugat na natamo siya.
He's smirking at me for coonies' sake!
"No matter how hard you hurt me, I can't still hate you. I must be crazy, crazy about you Astrid." nanigas akong panandalian dahil sa kanyang sinabi.
Hindi iyon madigest na utak ko.
Oh come on Chammy, he's playing and you said you're not joining. Better stick to that decision.
I managed to take a step hanggang sa naging sunod sunod iyon at nakalayo na ako sa palasyo eventually.
I took a deep breath.
Ang Arkaios dapat ang iniisip ko, hindi ang sinabi ni Azure.
But he's clouding up my mind and I don't really like this thing.
"Oh Chammy! How are they?" niyakap ako ni Tita Yukie pagkapasok ko sa lumang palasyo.
"They're getting better pero hindi pa rin po sila nagigising." I answered.
Nagkatinginan sila Tito Drake at Tita Yukie na tila ba nag-uusap sila gamit ang mga isip nila.
"Teal! Good thing you're here." saad ni Tito Drake at naupo ang pinsan ko sa aking tabi.
"This is the right time I guess." tumango si Tito Drake kay Tita Yukie saka nito inilabas iyong journal mula sa kanyang cloak.
I'm not surprised. Ito rin naman ang pinunta ko dito.
"This book contains hidden messages, but you can only read it by the help of Mauve's trinket." tumingin sa akin si Tito Drake at agad kong kinuha iyong compass.
"I knew it! Kayo ang makakahanap nito!" tuwang sabi ni Tita Yukie.
Nagkaroon ng hugis bilog doon sa pabalat ng journal at lumutang papunta doon ang compass.
It fitted! Lumiwanag ang buong journal saka iyon kusang bumukas papunta sa pinaka unang bahagi ng journal.
Mula sa kulay lilang liwanag na nagmumula doon, unti unting nagkakaroon ng mga letra sa journal, hanggang sa nabuo ang mga salitang gumimbal sa amin.
With the mana they've lost
One more chaos was awaken
Arkaios will be shaken
Unifications will be at cost
E
One more chaos? Iyon ba ang beast na sinasabi ni Mamay?
Pero ang mas nakakapagtaka, sino ang Unifications?
Mamay and Tito Frost were called exceptions dahil sa pagkakaroon nila ng kakaibang Elemental Power. Pero never ko pang narinig ang tungkol sa Unifications.
Lumipat sa sunod na pahina ang journal at muling lumabas ang mga nagtatagong salita mula sa lilang liwanag.
Finding them won't be easy
The compass will lead the way
Unifications, they are the key
To kill the beast they say
Nagkatinginan kami ni Teal ng lumutang muli ang compass patungo sa amin.
Gumagalawa galaw na ulit ang pointer noon at nakaturo sa iyon sa hilagang kanluran.
Ang Sunkenin City ay nasa Neuphimis na sentro ng Arkaios, kung susundan ang direksyong tinuturo ng compass, sa Pyrheus kami dapat pumunta.
"Tingin niyo ba ay mahahanap ninyo ang Unifications?" tanong ni Tito Drake.
"Hindi ba't dapat kami ang Unifications? We have the Exceptions blood running inside us." sumulyap sa akin si Teal, naghihintay na sang-ayunan ko siya.
"But the Compass tells us otherwise. Baka iba ang role niyo sa problema ngayon ng Arkaios." nagtiim bagang si Teal and I know that he's pissed off right now.
"We'll find them." I stated.
Tumikhim si Teal at hinarap ko siya.
"Come on Teal, this isn't about you, us belonging to the most powerful clan. We need to this for Arkaios' sake. Alam kong gusto mo ring may mapatunayan, pero kung hindi tayo ang kinakailangan to defeat the beast, atleast we can help by finding them." tumango na lamang si Teal dahil alam niyang wala siyang laban sa akin.
He wants to surpass Tito Frost's greatness, ewan ko ba sa kanya.
"Good thing you two are brave enough to face this." tinapik ni Tito Drake ang balikat namin ni Teal.
"Be ready, this isn't a game or an ordinary school competition. You're now going to save Arkaios." niyakap kami ni Tita Yukie.
"Kakailanganin niyong isama sila Scarlette, Azure, Myrtle, Flax, Bubblegum at Silver." we are half by the number of Primos, but I am determined enough to finish this one.
Binigay ni Tito Drake ang journal kay Teal samantalang sa akin ihinabilin ang compass.
Hindi raw namin maaaring maiwala ang kahit alin sa dalawa kung hindi, matatalo kami.
Agad kaming umalis ni Teal sa sikretong palasyo upang ikwento na sa iba ang aming misyon.
Nakakatakot na nakakaexcite.
I just hope na hindi kami mauwi sa kinahinatnan ng parents namin. We need revenge, for them, for the Elementals who died, and who are suffering.
Kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Teal kaya naman kinurot ko ang pisngi niya.
"Champagne." oh no, he's hella serious. He called me by my first name!
"Spill that out Teal Zione. What's bothering you?" tumigil siya sa paglalakad at ganoon rin ang ginawa ko.
"What's wrong in dreaming to be like Dad? To be greater than him? Ayaw ba talaga ng tadhana na masundan ko o mahigitan si Dad? Bakit hindi tayo ang Unifications? I really can't understand this sht. How can I finish Dad and Mom's battle if my only role here is to find those so called Unifications? naikuyom niya ang kanyang kamao na ngayon ay dahan dahang niyayakap ng kanyang puting aura.
"We can't question fate, Teal. But atleast we've got something to do in solving this nightmare right?" inakbayan ko siya at ginulo ang buhok.
Nakasimangot pa rin siya. Ito ang hirap sa isang ito, minsanan dapuan ng pagkatopak, iyon nga lang malala talaga.
"Tito Frost and Tita Heavenne will be proud of you. They love you Teal. And I know Tito Frost knows that you're a great Elementian. Remember that." hinila ko na ang kamay ni Teal at tumakbo kami ng mabilis pabalik sa palasyo.
We need to take this seriously. We should hurry cause our time is only limited. Arkaios now is our top priority, no other than it.