Take Over
Champagne's POV
Pagkabalik namin ni Teal ay agad naming kinausap ang mga kaibigan namin. Binilin nila Tito Drake at Tita Yukie na huwag namin ipapaalam sa iba iyong tungkol sa journal at compass, maliban sa aming walo.
Nagulat sila at namangha doon sa dala namin pero wala ni isang umatras sa misyon.
We will give our all in this, ready or not.
Pero ang nakakainis ay itong mga kausap naming hinahdalangan ang pag-alis namin. Masyadong kumokontra sa amin, sa desisyon namin.
Padabog kong hinampas ang lamesang nasa pagitan ko at ng Cardinals.
Seriosuly what's there problem? Bakit ayaw nilang pumayag?
"Astrid calm down." hinila ako ni Azure paupo pero nagpumilit pa rin ako.
"We will take over! Not anyone of you can stop us. This is final!" this time ay si Teal na ang nagsalita.
Good to say that his mind is already cleared by now. We can still be productive, we have our own part in this. Small or big, it doesn't matter. What's important will be the result of all our sacrifices, and that will be the death of the beast.
"You know we can't let you. Why are you kids so confident about this? Do you know something that we don't?" tumaas ang isang kilay ni Mistress Rheya, ang Sylph sa Cardinals.
"Don't tell them Chammy." bulong ni Carlie samin.
"We are the Primos' offsprings! We should continue their battle." sagot ni Myrtle.
"What do you want? Know what we have? Our idea? Our assumptions? Then what? Do the job and claim glory?" I rolled my eyes.
Ganyan namn silang Cardinals, nagpapasikat para higitan ang Primos. Dahil sa kabiguan nila na kumalat na sa bawat Zones, sa Cardinals na lamang umaasa ang mga Elementals ngayon.
Napabaling ang aking mukha sa kaliwa ng sampalin ako ni Master Damond sa kanang pisngi.
I heard my friends' gasps.
It stings sht! Ang hapdi, mainit.
Napahawak ako doon ng hindi oras at agad sinunggaban ni Teal si Master Damond habang si Azure ay hinawakan ang pisngi ko.
I feel relaxed dahil kay Azure at agad kong hinarap ang sumampal sa akin.
"You don't have the right to hurt me." malamig kong saad.
"Then stop talking nonsense here. You're a princess! Not just a trashy anyone so act according to your title." winaksi niya ang kamay ni Teal at padabog na naupo sa pwesto niya.
Kung hindi lang siya matanda ay baka kanina ko pa siya pinatulan.
"This talk is over." saad ni Flax.
"No matter how hard you try to stop us, we will always find our way." pagsasalita ni Bubblegum saka muling sumipsip sa kanyang bubbletea.
"Let them. Maybe they can do something about this problem. We shouldn't underestimate this kids. They all came from the most powerful bloodlines in Arkaios." napatunghay ako sa pagsang-ayon sa amin ni Mistress Racie.
"Thank you Mistress Racie." I uttered and she gave me a timid smile.
"Tsss. Even without your permission, we will still go." Myrtle flipped her hair.
"Then do what you want! We won't help you little brats." kumuyom ang kamao ko sa tinuran ni Master Damond.
Hindi ba kami titigilan ng isang ito? Nakakainis na!
"Don't bother yourselves, we won't need that anyway." taas noo akong tumayo at lumabas sa double doors ng Meeting Hall.
Hah! I can also piss him off! Better than what he gave to me!
Pagkakain ng hapunan ay nagpasya na kaming mag-ayos ng gamit.
We all agreed na midnight rin umalis dahil sa halos lahat ng creatures ay tulog, maliban sa nocturnals na naghahanap ng pagkain nila.
We already talked to Grammie and Grappie, kahit pa natatakot sila ay nagbigay pa rin sila ng basbas sa aming pag-alis. Sila na raw muna ang bahala sa mga kapatid at parents namin although, malalaki na rin naman sila Cerulean, Emerald, Tangerine at Chillie. Those four can help in Sunkenin City while we are away.
Umiyak pa nga ang mga kapatid namin ng sabihin naming aalis kami. Maging sila ay takot pero mas doble nga lang kesa sa grandparents ko.
"Hindi natin maisasama ang ating mga Eidolons, anong gagawin natin?" tanong ni Myrtle.
"We should find an alternative option. Baka makahanap tayo ng marunong gumawa ng weapon instead? Para tipid tayo sa mana." suggestion ni Silver.
A brilliant one!
"Ang galing mo talaga Silv." sabay na saad nila Carlie at Bubble.
Oh okay? Awkward. Nagkatinginan silang parehas pero agad nag-iwas ng tingin sa isa't isa.
"Saan tayo hahanap?" tanong ni Flax.
"Shouldn't we seek of the help of Infinitius?" si Azure naman ang nagbigay ng suhestyon.
At aminin ko man o hindi, maganda ang sinabi niya.
Napalingon kaming lahat sa pinto ng may kumatok. Nasa kwarto kami ni Teal ngayon upang mag-usap usap muli.
"Rouie!" I exclaimed ng makita ang nakangiting si Rouie.
Pinatuloy ko siya at agad kong napansin ang nakabusangot na mukha ni Azure.
Problema nito? Kanina naman ay hindi siya ganyan.
"I want to go with you." lahat kami ay napanganga sa sinabi niya.
"You can't bro, sorry." sagot ni Teal.
"Bakit? Dahil hindi niyo ako kasing lakas?" kumuyom ang kamao ni Rouie.
"Ayaw ka lang naming madamay sa desisyon naming walang kasiguraduhan." sagot ni Bubble at napatitig sa kanya si Rouie.
Ang obvious naman ng isang ito.
"Pakibantayan nalang ang parents namin, pati ang mga kapatid namin at sila Grannie at Grappie. Malaking utang na loob ito para sa amin Rouie." hinawakan ko ang kamay ni Rouie bilang pakiusap.
Tumikhim si Azure ng malakas kaya napabitaw ako agad dahil sa gulat.
Papatayin ba ako nitong lalakeng ito? Nabigla ako sa kanya!
"Fine." sumuko siya at lumaba smuli ng kwarto. Agad ko siyang sinundan.
"Don't worry, Bubble will be safe I promise." ngumiti ng matamis si Rouie dahil sa aking sinabi at saka siya tuluyang umalis.
"So you are close with him huh? May pahawak hawak kamay pa. Ganyan ka ba talaga sa mga lalake? Kahit kakakilala mo palang?" nagpanting ang pandinig ko dahil sa sinabi niya.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!" isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya at lahat ng kasama namin ay nagulat.
"Tsk. You're the numbest girl I've ever seen." tinalikuran niya ako at nahiga sa kama ni Teal.
Kung pagsalitaan niya ako, akala mo ay hindi niya ako kilala.
Sa lahat ng naririto, pangatlo siya sa dapat pinaka nakakakilala sakin dahil lagi niya akong inaasar at lagi siyang nakasunod sakin noon pa man.
I rushed out of the room pero sinundan ako ni Carlie.
"He didn't mean that Chammy, I swear." hinawakan ni Carlie ang braso ko at niyakap ako.
"He should have known me better, like you and Teal. Akala ko sa pang-aasar lang niya ako bibiktimahin, but insulting me? That's too far." naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha.
Ito na ang pinakamasakit na ginawa niya sa akin! It's like my blood is boiling cause of him. I hate this!
"Champagne! What's happening?" boses iyon ni Lady Aletheia at dinaluhan niya ako.
"Nothing po." I answered at pinalis ang aking mga luha.
Humiwalay ako kay Carlie at nakita kong naririto sa hallway ang buong Infinitius.
Great! They saw me crying because of that stupid, effin, bad mouther Undine!
"Akala namin ay aalis kayo?" tanong ni Lord Ronan.
Tumango si Carlie.
"Mamayang midnight pa po." sagot ko.
"Pero may problema po kami." dagdag ni Carlie.
Ugh bakit ba nakalimutan ko agad iyong ideya sa weapons?
"Ano iyon? Maybe we can help?" lumapit sa akin si Lady Cleatha.
"May kilala po ba kayong gumagawa ng weapons?" tanong ko at nagkatinginan sila bago sumagot.
"Kogan is a secret weapon maker, or a blacksmith." sagot ni Lord Yohhan at tinapik ang balikat ng kanyang kapatid.
"Come with us sa aming lugar." saad ni Lady Astrean.
Akala ko dito rin sila sa palasyo nakatira? O baka may secret place din silang walo?
"Teka po, tatawagin namin muna sila Teal." pagpigil ni Carlie at itinuro ang kwartong kinaroronan ng pinsan ko pati na rin ng iba.
"Kami na ang bahala. Sumama na kayo sa kanila. Tumatakbo ang oras." sagot ni Lady Lachise at kasama ang asawa niyang si Lord Lorcan ay agad nagtungo doon.
The other six member of Infinitius are ahead habang kami ni Carlie ay three steps away sa kanila.
Nakakaintimidate ang aura nila ngayon, seryosong seryoso. Hindi gaya dati ay nagagawa pa nilang makipagbiruan samin. Lalo na si Lady Astrean at si Lord Ronan na nagagawang makisakay sa mga kalokohan namin. For short, parehas silang sabog.
Isang kwarto ang aming pinasukan, isang maliit na library with 8 chairs and a long table. Mukhang sa kanila ito.
Tumapat si Lady Aletheia sa isang bookshelf at tila may pinindot doon na naging dahilan ng paggalaw noon pagilid.
Woah! Parang kagaya doon sa La Telmene! Iyong papuntamg Fierylisia Hall! Ang galing!
Isang hagdan rin paibaba ang tumambad sa amin at tumuloy kami hanggang sa dulo.
Pintong gawa sa bakal na may simbolo ng Infinitius ang nakaukit doon. Walong maliliit na bilog na palibot sa isang infinity sign iyon.
Si Lord Kogan ang nagbukas niyon at napanganga kami parehas ni Carlie dahil sa aming nakita.
Isa lang masasabi ko para ilarawan ang pribadong kwartong ito, nakakamangha!