TOM - 16

1281 Words
Weapons Champagne's POV The room is really jaw dropping, kahit sila Teal na kararating pa lamang ay napanganga rin. "Welcome to my secret room." it was Lord Kogan. "Grabe! Hindi ko akalaing may ganito kayong talento Lord Kogan!" walang habas na lumapit si Silver sa bawat parte ng kwarto na may kagamitan. There were swords, blades, axes etc on top of long tables and some are on shelves. Lahat ata kami ay nagniningning ang mga mata dahil dito. "Kami po ba ang mamimili ng weapons?" tanong ni Teal habang nakatitig sa isang kulay puting broadsword. "Of course not Teal. Love will assigned what's best for each one of you." sagot ni Lady Aletheia at umangkla sa asawa niya na may kakayahang gumawa ng mga sandata. With that cue pumunta si Lord Yohhan at Ronan sa isang pader at nakita kong may hinawakan sila mula doon. "Woah!" Azure exclaimed ng mahila iyong parte ng pader at nakatago pala doon ang mas magagandang weapons. "Silver, yours is the Ash Dualsword." dualsword? Pero bakit isa lang naman iyong hawak ni Lord Kogan? Inabot niya iyon kay Silver at halos mabingi kami ng tumama iyon sa sahig. "Holy sword! Bakit po napakabigat?!" natawa ang apat na Lord sa tinuran ni Silver. "You'll get used to that kiddo." tinapik ni Lord Lorcan ang balikat ng hirap na hirap na si Silver. "Try to make that sword a dual one. Baka gumaan?" suhestyon ni Lord Yohhan. Agad sinubukan ni Silver ang sinabi ni Lord. He held the grip with his two hands at sabay iyong hinila sa magkabilang direksyon. "Aaaaah!" buong pwersa ang binigay niya at halos magulat kami ng maging dalawa iyong sword na ngayon ay binabalot ng aura niya. "Good job. You've just marked your weapon." tumango tango pa si Lord Kogan at ngumisi. Marked his weapon? "Bubble! You're next!" biglang inabot ni Lady Astrean ang tatlong bilog na may spikes, tingin ko ay gawa iyon sa metals. "These are the Forest Pearls. Try to cover them with your power." saad ni Lady Cleatha at agad na lumabas ang aura ni Bubblegum kasunod ang pagtubo ng vines at woods sa mga bilog na iyon. Nanlaki ang mga mata namin ng lumutang ang mga iyon at umikot ikot kay Bubble! Amazing! "Earthen Poleaxe." inabot ni Lord Ronan ang isang weapon na may hard rock handle at sa dulo ay dalawang maninipis na nakakahiwang metal. "If you'll try to put your powers there." tinuro ni Lord Lorcan iyong mga deadly metals. "The impact would be larger." then with that nabalot na rin ng aura si Flax pati na rin iyong weapon niya. Nagkaroon ng mga bato iyong katawan pati iyong blades ng weapon niya pero not the tips. Hinampas niya iyon sa sahig na nakalikha ng kaunting pagyanig sa lupa at nagkaroon ng marka doon. "Of course Windial Fans for Myrtle." inabot ni Lady Lachise ang dalawang fans na halos transparent ang kulay pero may touch of green. "The more power you put, the stronger the wing it will release." saad ni Lady Astrean. At dahil doon ay lumabas ang aura ni Myrtle sa pamaypay na sing nipis ng pabalat ng isang aklat. "Hala ang galing!" napapalakpak si Carlie ng lumaki iyong fans na halos mula sa leeg ni Myr hanggang sa waistline niya. Mabuti na lamang at hindi niya naisipang magpakawala ng hangin from that, baka bagyuhin kami dito. "Ripple Edges will be the one for Azure." lumapit si Az kay Lord Kogan at kinuha ang isang hugis letrang S na sandata. Agaran nagpakitang gilas si Azure na binabalot ng kanyang aura. Tumalon talon siya at umikot kasunod ang paglitaw ng mga Water Balls sa paligid niya at walang kahirap hirap niyang nahati ang mga iyon gamit ang sandata niyang may dalawang blade na nahahati sa gitna na siya ring nagsisilbing hawakan. "That can absorb any fluid matter and bring it back to the opponent with doubled power." napasuntok sa ere si Azure dahil sa sinabi ni Lord Yohhan. "Scarlet honey, Vermilion Gun would be perfect for you." inabot ni Lady Cleatha ang isang mahabang kulay itim na baril na may scope. "The ammo will be limitless unless you're out of mana." napanganga kami sa sinabi ni Lady Aletheia. "So you mean dito po dadaan ang power ko?" tumango si Lord Kogan. Inasinta ni Carlie ang isang bote ng inumin sa lamesa na nakalagay sa sulok. Gumapang ang aura niya mula sa paanan hanggang sa dulo ng baril at biglang lumabas doon ang isang maliit na bilugang kulay pula na aura. Nabasag iyong bottle at napaliti si Bubblegum. "Ang hot tingnan ni Carlie!" bulong ni Teal sa akin at ngumisi. Ugh p*****t cousin! "Hoy stop that thoughts Teal!" pasimple kong hinampas ang kanyang balikat at humalakhak siya. "Next! Teal! Luster Bow will suit you!" lumingon muna si Teal kay Carlie bago naglakad papunta kay Lord Lorcan na hawak hawak ang isang bow at quiver na may bows. Kulay puti iyon na may maliliit na bluish green na bato. "Tulad ng kay Carlie, unlimited rin ang bala mo. These provided ones are for testing only. Ikaw na mismo ang gagawa after nila maubos." paalala ni Lord Ronan. Lumabas ang puting aura ni Teal at maging ang mga bow at arrows ay nagkaroon din. He aimed for the broken part from the bottle that Carlie shoot. Nagdulot ng liwanag sa ere iyong dinaanan ng arrow ni Teal. Looks like a path of light! Diretsong diretso! Nabasag pa sa mas maliliit na piraso iyong tinamaan ni Teal. I didn't know na marunong din siyang mamana! Maybe we have the same skills! But I bet, my accuracy is higher than him. "Lastly, Champagne. The Midnight Scepter is the best for you." inabot ni Lady Lachise ang isang itim na scepter with glowing reddish yellow stone sa pinaka tuktok. Is this the famous Akaro stone? Woah! "That's the Akaro stone. I know narinig mo na yan. Dyan din gawa ang rings ng Mom and Dad mo." I nodded dahil lagi iyong pinagmamalaki sa akin ni Mamay. Galing pa raw iyon sa meteor na minsan lang bumagsak sa Arkaios. Sa pagdampi ng kamay ko sa scepter ay agad akong nakaramdam ng kakaiba. Like this one is only made for me. "Your power will go through that at ieemit ng scepter ng mas malakas." saad ni Lady Lachise at tumango ako. I positioned myself at yumakap sa katawan ko ang aking itim na aura. Umakyat iyon patungo sa scepter at biglang mas naging maliwanag iyong bato ng Akaro doon. Nagpalutang ako ng dalawang Black Wheels at sinira ko iyon by throwing Black Aura Balls galing sa scepter. I can't believe this! Mas lumakas nga ang atake ko dahil sa sandatang ito! Nakaramdam ako ng presensya mula sa aking likuran at agad akong yumuko saka umikot. Laking gulat ko ng humaba ang hawakan ng scepter na ngayon ay nakatutok na sa baba ni Azure na siya palang lumapit sa akin. "Easy Ast. I didn't expected that you're good at close range battles too." ginulo niya ang buhok ko. "But still I'm better." humalkhak siya at nagpatama ng maliit na Water Ball sa aking mukha! "What the heck Az?" hinilamos ko ang aking basang mukha gamit ang palad kong nanginginig sa inis. Pinatama ko iyong dulo ng mahaba kong scepter sa kanyang panga at na nagdulot ng marka. "Don't mess with me Azure." inirapan ko siya saka naglakad patungo kay Carlie. Everyone's laughing at us pero sa loob loob ko gusto ko silang paulanan ng maraming Black Aura Balls. "One more thing, if your weapons will get any damages, your powers and aura will fix it okay?" napatango kaming lahat. Ang cool talaga! Hindi ko akalaing magkakaroon kami ng ganito! Mas convenient ito kesa sa mga self made element weapons namin na agarang nasisira at talaga nakakadrain ng mana. "Okay, done with the weapons. You should rest para mapaghandaan ang pag-alis niyo mamaya." binuksan ni Lady Cleatha ang pinto. "Thank you po sa tulong." saad ni Bubblegum. "Ang galing niyo Lord Kogan! Magpapaturo po ako pagbalik namin!" ngumiti si Silver at tumango naman sa kanya si Lord Kogan. "Mag-iingat kayo. I've seen too many dead bodies in my dreams." saad ni Lady Lachise at kinilabutan ako. "We will po. Salamat." tugon ni Teal at hinila ako palabas ng kwarto. Muli kaming umakyat at lumabas sa private room ng Infinitius. "Sana hindi na kayo makabalik, lalo na ikaw Yin." tiningnan ako ni Lilith na nakaabang sa may hallway. "What did you say to her Lilith?" tiim bagang na tanong ni Azure. I stopped Azure from talking by putting my index finger on top of his lips. I can handle the btchiness of this girl in front of me. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panandaliang pagkanganga ni Lilith ng makita ang mga weapons namin, lalo na sa itim kong scepter. I smirked. I know what's inside her badly, trashy mind. "Envy with this? Sorry it's meant to be mine." I rolled my eyes on her at nagpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD