Way Out
Champagne's POV
Pagkabukas ko ng pinto ay ang Fierylisia Hall ang bumungad sa akin.
"It's all connected! Astig!" namamanghang sabi ni Bubble.
Dito kami pinadaan ng Infinitius, baka raw mahirapan kami kapag sa gubat pumunta.
May sikretong hallway pala mula sa weapon's room ni Lord Kogan papunta dito sa Fierylisia Hall.
Hindi ko alam kung pano pero baka pinagdugtong nila iyon.
Siguro ay paminsan minsan silang umaalis ng Sunkenin City, patakas kumbaga.
Hinarangan ni Flax iyong pinto saka kami dumiretso palabas.
Since alam na namin ni Carlie ang lugar na ito, madali kaming nakalabas.
Walang kailaw ilaw sa buong La Telmene Academy, tanging liwanag ng maputlang buwan ang nagsisilbing gabay namin sa paglalakad.
"Mukhang walang nakapasok na creatures dito." pagpuna ni Silver at nagawa pang sumilip sa isang kwartong aming nadaanan.
"Shhhhh." pagsaway ko sa kanila at nakaramdam ako ng matinding kaba.
Napasinghap ako ng maulinigan ko ang ilang footsteps ng tila nagtatakbuhang nilalang.
"Let's hide!" iyon ang utos ni Teal pero pakiramdam ko ay nanigas ang aking katawan.
"Astrid? What are you doing?" narinig ko si Azure at hinila ako papasok sa isa pang kwarto.
"Huy! Ano ba Chammy? Umayos ka nga!" sinampal ako ni Myrtle.
Hindi ko nagawang gumanti sa kanya dahil kahit papano ay nagbalik ata ang senses ko.
"Don't be harsh on her." sita ni Azure at kinurot ang pisngi ko.
"Astrid, now isn't the time to lose a grip on yourself." tumango sa sinabi niya.
Nilapitan ako ni Carlie at hinagod ang likuran ko. Bakit ba feeling ko ay magiging pabigat ako sa kanila ngayon?
Pero hindi iyon ang dapat! I'm brave, and this time I'll be braver.
Dinig na dinig namin ang mga creatures na dumaan sa may hallway. Siguro ay nasa benta sila. Kung nagkataong hindi kami nakagtago, no choice kami kundi ang sumabak agad sa laban.
"We should plan our next moves here." suhestyon ni Carlie at sumang ayon kami.
Silver and Bubblegum headed to the windows upang makita ang sitwasyon sa labas ng La Telmene.
Habang kami naman ay nagpaplano sa kung papaano kami tahimik na makaalis dito.
"Where are we heading to?" tanong ni Flax at ipinakita ko sa kanila ang compass.
"Pyrheus Region?" pagtataka ni Azure.
Ni kahit kami ni Teal ay hindi alam kung naroroon nga ang mga Oratians. At kung doon sila makikita, siguradong nasa panganib na sila!
"Guys, may iilang Nightwalkers sa labas at Batpires." nag-aalalang sabi ni Bubblegum.
Nightwalkers ay mga kauri ng Cyclops, one eyed sila. Pero ang pinagkaiba, Nightwalkers have 8 legs like spiders at mas malaki ang built ng katawan nila. They can see at night but never in mornings. That how they got their name.
While Batpires ay mga half human sized bats na may mahahabang pangil na ang tanging pagkain ay ang pagsipsip sa dugo ng iba pang creatures. Pero sa lagay ngayon, baka pati dugo ng Elementals ay iniinom na nila.
"That's easy!" napairap ako sa pagyayabang ni Teal.
"Don't be too confident Teal." komento ni Carlie.
Oh ayan bad shot tuloy siya. I rolled my eyes on him.
"I think we should split into two groups." suhestyon ni Carlie.
She draw her plan on the floor using a fine fire emitted by her finger.
Ang talino din ng isang ito. Since hindi namin madaling mababasa kung isusulat iyon sa piraso ng papel, minabuti niyang doon ilagay.
Kada sulat niya ay umiilaw iyon ng bahagya kaya malinaw ang lahat sa aming paningin.
Two routes ang aming tatahakin, sa kaliwa at sa kanan.
Magkikita kami sa pinaka unahan ng La Telmene, sa main gate na malayo layo rin mula dito sa building na kinaroroonan namin.
"We can't travel using our wings, so mas maganda siguro na magkubli tayo sa mga puno at halaman sa paligid." saad ni Myrtle.
"Sino ang magiging magkagrupo?" tanong ni Flax.
"Bubblegum, Silver, me and...." tumingin sa akin si Carlie pero agad siyang napapikit ng marinig ang tikhim ni Teal.
"And Teal. Since kayo ni Chammy ang pinakamalakas, mas mabuting maghiwalay kayo." napatango ako sa tinuran niya.
I can't complain, kahit pa kasama ko ang nakangising si Azure.
Lagi na lamang bang pepestihin ng lalakeng ito ang buhay ko?
Carlie drew a map or should I say a path para mas madali kaming makapunta sa main gate.
"We should close the gate to prevent them from coming out and chasing us." saad ni Silver.
We all agreed to his plan. Mas mabuti iyon kesa habulin kami ng sandamakmak na nagwawalang creatures. Makakatawag pa iyon ng pansin sa labas ng La Telmene.
Iba na ang secured. We don't even know what's outside, what's waiting for us. What's the consequence of our decision.
"Okay, we will leave after 5 minutes. So prepare yourselves." I told them at ako ang lumapit sa may bintana.
The skies no longer hold the stars, the moon isn't shining brightly, it's color is almost fading.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Ano bang nangyayari sa amin? Bakit may ganito? Sino ba si Mauve? Si E? Iyong mga nasa painting sa sikretong palasyo? At bakit may beast? Bakit niya inuutusan ang creatures na patayin kami?
Sinasakop na ba kami ng kakaibang mga nilalang?
Kinurot ko ang aking pisngi upang magbalik ang lumilipad kong utak.
Nababaliw na ako sa kakaisip.
"Erase that frown on your face. It makes you uglier than the skies right now." napaismid ako ng marinig ang boses ni Azure.
"Stop bothering me you asshle." he suddenly grabbed my arm ng magtaka akong layasan siya
"Stay close to me from now on. I don't want you to get hurt." halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.
Why is he being too caring? Anong meron?
"I must be crazy, crazy about you Astrid."
And here it goes again, those little creatures inside my stomach are wiggling. Bloody cheesy lines! Geez! Damn this annoying Undine for making me feel like this.
I nodded at him dahil alam kong hindi niya ako titigilan.
Saka ako naglakad sa kanya palayo ng marinig ko ang mahinang paghalakhak niya.
Leche naman.
"Silver kaya mo ba talaga?" tanong ni Carlie at nakita kong napalingon sa kanya si Bubblegum.
Kahit ako ay naaawa kay Silver dahil sa bigat ng dualsword niya, tapos ay maliit pa siya kung ikukumpara sa ibang boys. He's the midget one.
"Don't worry! I can manage!" ngumiti siya, sa aming lahat na nakatingin sa kanya at hinati sa dalawa iyong espada niya.
"Ready?" tanong ni Carlie at lahat kami ay nagbigay ng go signal sa kanya.
"Dude. Dapat walang galos si Chammy hah?" iyon ang huli kong narinig kay Teal bago naunang umalis ang grupo nila.
Sa kaliwang daan sila pupunta.
"5, 4, 3, 2, 1! Tara na!" kami naman ang lumabas at sa kanang side nagtungo.
Habang pababa kami ng hagdan ay wala ni isang creature kaming nakakasalubong.
"Baka tulog na sila?" bulong ni Flax.
We can say that, but I don't like this eerie feeling. More like this is the calmness of the sea before a raging storm.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking scepter.
"Isa isa tayong tatakbo papunta doon sa may mga halaman. Flax, cover Myrtle tapos sumunod ka. Kami ni Azure ang bahala dito sa likuran." I commanded at tumakbo ng marahan si Myrtle.
Wala namang problema sa kanya dahil sa pagiging light ng movements niya.
Sumunod si Flax at doon siya nagtago sa itaas ng puno.
"You go first Astrid." I nodded on Azure at tinakbo ko ng mabilis ang mga halamanan.
Namataan ko pa sa si kalayuan ang mangilan ngilang Nightwalkers.
Sht. Kailangang magmadali.
I pointed those creatures at nakita rin iyon ni Azure.
Kumpara sa akin ay mas mabilis ang kilos niya pero ang masaklap naamoy ata siya ng Nightwalkers.
"Duck Az!" I shouted at agad nagpakawala ng Aura Balls mula sa aking scepter.
Lima iyong papasugod na Nightwalkers at tatlo doon ang natamaan ko.
"Wag mong papayanigin Flax." paalala ni Myr.
Lumipad si Myr pero sa mababang posisyon lamang parang tulungan si Azure na sinasalakay ng dalawang Nightwalkers.
"We need to hurry. Baka matawag natin ang pansin nila!" tumango ako kay Flax.
We can't drain our manas here. Nag-uumpisa pa lamang ang misyon namin.
Nahati ni Azure ang isang Nightwalker gamit ang sandata niya samantalang si Myr ay napatalsik ang isa.
Gumawa naman si Flax ng harang upang maihiwalay sa amin iyong Nightwalkers.
Pero alam kong makakalagpas sila doon, climbing is one of their fortes.
"Kumapit kayo!" pinahaba ko ang aking Scepter to the point na umabot iyon kila Azure at Myrtle.
Kaso si Azure lamang ang kumapit habang si Myrtle ay muling lumipad.
"Are you worried?" tanong ni Azure ng makalapit sa akin.
Bahagya akong nanigas sa aking pwesto dahil sa lapit namin sa isa't isa.
"Dude tama na yan." naiiling na pagsita ni Flax at nagsimula na ulit kaming tumakbo patungo sa main gate.
Malapit na kami doon ng biglang yumanig.
"Geez! Nagising na ang iba!" natatarantang saad ni Myrtle.
Huminto si Flax at hinampas sa lupa ang kanyang Poleaxe.
Nagdulot iyon ng lindol at nagbitak ang lupa kasunod ang pagsulpot ng nga matutulis na bato doon sa pwesto ng mga papasugod na Nightwalkers, Centaurs, Cyclops, Cannis, Bears, Jackals at iba pa.
Lahat sila ay nanlilisik ang pulang mga mata! Nakakahindik!
Nagpakawala ng isang malaking Tornado si Myrtle at ilan sa mga creatures ang tinamaan noon.
"Shoot them." bigla akong hinawakan ni Azure sa bewang at pinasakay sa kanyang Water Disc.
Habang si Myrtle ay inililipad si Flax.
"Mauna na kayo! Kami na ang bahala." utos ko sa kanila.
Mukhang napapagod na sila Myr at Flax.
"We'll clear the path ahead. Let's meet at the gate." saad ni Flax at umalis na sila.
Walang imik na binato ni Azure ang kanyang Ripple Edge at nasa limang creatures ang nahati noon bago iyon umikot pabalik sa kanya.
Cool!
Ako naman ay nagpakawala ng maraming Aura Balls at halos kalahati na ang napapatay namin.
Naaawa ako sa kanila, pero wala akong ibang choice. Kung hindi kami ang papatay, kami ang mamamatay.
"Marami pang paparating!" mas binilisan ni Azure ang pagpalipad habang ako ay patuloy sa pag atake sa mga kalaban.
Apat na Batpires ang nakalapit sa amin at agad ko silang hinampas pababa gamit ang aking Scepter.
Napansin ko ang paglabas ng aura ni Azure at sumunod kong naramdaman ang akin.
This is getting hard.
Natanaw ko na ang mga kasamahan namin sa labas ng main gate. Wala pang creatures doon pero marami ang nakasunod sa amin.
Parang halos lahat ng naglalagi dito sa La Telmene ay tumatakbo papunta sa amin.
This isn't good.
"Close the gate!" I shouted at nanlaki ang mga mata ni Azure.
"Are you crazy Ast? What is this? Being a heroine? Suicidal?" tanong niya at nagpaulan ng mga Water Bombs at Water Spears.
I smirked.
"Just trust me annoying Undine." wala siyang nagawa kundi ipakita ang pag sang ayon sa akin.
"Astrid says close the gate!" nagtataka man ay sinarado nila ang Main Gate, kahit pa pinipigilan sila ni Carlie.
Flax put a tall rock wall na dinagdagan ng Light Chain ni Teal, pampatibay kumbaga.
"I can fly that high but I don't know if my energy still can." bulong ni Azure habang patuloy akong unaatake at siya ay muling pinakawalan ang kanyang sandata na nagiging boomerang pala.
"This is only our way out." wala na akong ibang planong maisip.
Tumalon ako ng mula sa Water Disc ni Azure.
Pumikit ako at sa isang iglap parang naubos ang lakas ko dahil sa pagkawala ng malaking Black Aura Ball mula sa aking Scepter.
Hindi ko na sigurado kung may aura pa ako o baka pati iyon ay nagamit ko papaunta sa aking sandata.
"Jump now Az!" sinunod ako ni Azure at saktong balik sa kanya ng Ripple Edge ay ang pagyakap niya sa akin.
Pinahaba kong muli ang aking Scepter, at tinukod iyon sa lupa gamit ang natitirang pwersa sa akin.
Tumilapon kami ni Azure patungo sa itaas, papunta sa kabilang parte ng Main Gate. Sa sobrang taas ng inabot namin ay natanaw ko ang mga creatures na tinamaan ng aking Aura Ball, duguan sila at halos patay na.
"Good job Ast." bulong ni Azure at naramdaman kong malamig na Water Disc ang sumalo sa akin.