TOM - 18

2079 Words
Blistering Giavapede Champagne's POV Papalubog na ang araw at padilim na ang mapulang kalangitan, nakalampas na kami sa Riverial. Iyong paikot na ilog sa buong Arkaios. Dati ay napakalinis noon at napakalinaw, pero ngayon, buto ng Elementals at creatures, dugo at kalat ang makikita doon. Nakakapangilabot. Nasa Pyrheus Region na kami at siguro sa loob ng isang oras na paglalakad ay makikita ko na ang palasyo ng pinamamahalaan nila Mamay at Papay, katulong sila Tita Garnet at Tito Flame. "We should all take a rest." Teal said at napagpasyahan naming manatili sa loob ng isang abandonadong bahay. "Kikilos tayo matapos ang apat na oras." I told them at kanya kanya na kami ng gawa. Si Myr at Bubble ay nagpasyang maligo habang si Flax ay ang magluluto. Mabuti na lamang at may supply ng pagkain dito sa napuntahan namin kaya wala na kaming problema. Si Teal at Silver ang naglagay ng mga ilaw habang pinalibutan ko ng Black Shield ang bahay upang hindi makita mula sa labas ang liwanag Si Azure ang gumawa ng paraan upang magkaroon ng tubig sa buong lugar habang si Carlie ang gumawa ng apoy sa dalawang fire place na naroroon. Kami ang sumunod na naligo ni Carlie at pagkatapos namin ay nakahain na ang mga kubyertos at plato na si Myrtle ang nag-asikaso. "Dapat siguro ay sanayin mong buhatin kapag isa lang. Mas madali kang masasanay." sa sala ay naroon si Silver na tinutulungan ni Bubble sa kanyang armas. "They look good together." narinig ko ang buntong hininga ni Carlie. "I know someone who looks good when his with you." I smirked at sumulyap kay Teal na nagtutuyo ng kanyang buhok. "Ah! My eyes! Chammy eyes mo!" natawa ako sa reaksyon ni Carlie dahil hindi niya malaman kung ano ang tatakpan niya, mata ko ba o ang sa kanya. Ugh karma. Bigla naman akong napapikit dahil ilang saglit ang lumipas ay si Azure naman ang lumabas mula sa banyo sa unang palapag ng bahay. Mas malala pa ito kay Teal! His lower body is wrapped with his quite wet towel habang wala siya ni kahit ano sa kanyang pang-itaas. Damn his perfectly toned muscles. "Mag bihis kayo pre! Nababother sila." narinig ko ang pagtawa ni Flax bago siya pumasok upang maligo. Sunod kong narinig ang malakas na tawanan nila Teal at Azure. Nang-aasar sila. Tumalikod ako saka bumuntong hininga bago ko iminulat ang aking mga mata. Nakakaasar. Bakit ako affected? Lumipas ang apat na oras at nakapagpahinga na kaming lahat. Nakakain na rin at nakapag-ayos. Tingin ko ay bumalik ang mga lakas na naubos ko mula sa pag-alis sa La Telmene. "Let's go again!" hyper na saad ni Myrtle at naunang lumabas. Gabi na ulit ngunit natatanaw ko na ang mga bulkang naglalabas ng mga lava. "Saan na tayo Chammy?" tanong ni Silver na buhat buhat ng dalawang kamay ang kanyang Dualsword. Inilabas ko ang compass at napansin kong ang tinuturong direksyon noon ay ang kinalalagyan ng Mt. Pednian. "Te....ka? Sigurado bang doon tayo Chammy?" Carlie tugged my shirt. Napagpasyahan naming huwag na munang magsuot ng Cloak dahil baka makasagabal lang sa amin iyon. I nodded at her at nakita ko ang pagkatakot sa kanyang mukha. She doesn't really like that place until now. "Andito naman ang pinakamalakas ng Wisp para protektahan ka." singit ni Teal pero hindi siya pinansin ni Carlie. "Kayabangan mo na naman." Myrtle said at nagpatuloy kami sa paglalakad. Bakit nga kaya doon? Nakakapagtaka dahil iisang uri lang ng creature ang kayang mabuhay sa bulkang iyon. "We're here." Flax announced at nasa paanan na kami ng Mt. Pednian. Sa palibot nito ay maraming lumamig na lava habang sa pinakatuktok ay ang nagbabagang magmas. "We need to climb up." nagkaroon na muli ng fine violet light line ang compass at umangat iyon sa ere saka itinuro ang paitaas. "Chammy!" takot na tinig ni Carlie. Kung tutuusin malaki ang maitutulong niya laban sa creatures na naririto dahil kaya niya kontrahin ang apoy na nilalabas ng mga ito dahil isa siyang Salamander pero sadyang traumatized siya sa lugar na ito. "I'll stand by her side. Just focus Champagne." saad ni Teal at nakita kong inalalayan niya si Carlie. "Shhhhh. Let's scatter and hide." saad ni Azure at kanya kanya kami ng tago sa mga puno at halamanan. Napasinghap ako ng marinig ang tila creatures na gumagapang mula sa lupa. "They're beneath us!" sigaw ni Flax at biglang nagsuluputan ang mga nakakapangilabot na gumagapang na creatures! "Ahhhhhh!" sigaw ni Carlie. Holy blistering lavapedes! Kakagising lamang ata nila! Umaapoy pa dahil sa magma ang mga katawan nila! Sila ang mga creatures na kayang tumira I immediately made a Black Disc saka sumakay doon at nakita kong ganoon din ang ginawa nila maliban kay Myrtle na nilabas ang pakpak niya. Perks of being a Sylph. "They are almost 30 in number! What are we going to do?" tanong ni Bubble na iniikutan na ng kanyang sandata. Mukha tuloy siyang dyosa ng nga Pixie dahil sa kakaibang effect ng kanyang Forest Pearls. "Let's finish them and look for the Orbs!" I shouted at nagsimula na kaming lumaban. Gamit ang Scepter ko ay nagpaulan ako ng Aura Balls ngunit mabilis silang gumapang pailalim at nagtago doon. "They're so tricky!" frustrated na sigaw ni Myrtle. "Graciousness!" napatili ako ng may kumagat sa paanan ko at nakita ko ang isang Lavapede na nasa ilalim ko sinisipsip ang aking kaliwang paa. Pinahaba ko ang aking Scepter at pinatama ko iyon sa kanyang ulunan, sa gitna ng mga nanlilisik nitong mapupulang mata. "Astrid!" hinila ako ni Azure kasabay ng pagkanganga ng Lavapede dahil sa atake ko. "You're hurt!" tiningnan niya ang aking paa na naglalabas ng sariwang kulay itim na dugo. Kung minamalas ka nga naman. "I can handle myself Az. Don't mind me, we need the Orbs!" itinulak ko siya bahagya ngunit isinakay niya ako sa kanyang Water Disc. Lumuhod siya sa harapan ko at naglabas ng isang Water Ball sa kanyang kamay at idinampi iyon sa paa ko. Akala ko ay papasok iyon sa loob ng sugat ngunit bumalot lamang iyon doon at nakaramdam ako ng kaginhawaan. "That will stay for about 30 minutes. Let's hope it will heal immediately." I nodded at him saka pa muling gumawa ng Black Disc at sumakay doon. "Thank you Az." pinalipad ko ang aking sasakyan papunta sa tatlong Lavapedes pero naramdaman kong nakasunod siya sa akin "I told you to stay close to me!" sinigawan niya ako at agad binato ang kanyang Ripple Edge papunta sa Lavapedes pero hinarangan ko iyon ng aking Scepter. "I can kill them." pinatulis ko ang dulo Scepter saka ako mabilis na dumaan sa likod ng Lavapedes at nahati ko agad sa gitna ang mga katawan nila. "Ma.....y tao do..on!" narinig ko ang boses ni Carlie at nakita kong papunta siya sa ibaba ng forest. "I'll follow her!" sigaw ni Silver pero naunahan siya ni Teal na walang sali salitang sumunod kay Carlie. I guess they can handle it. Ang kailangan namin ay tapusin itong Lavapedes. "Chammy! Dumadami sila lalo!" sigaw ni Flax at nakita ko ang paghiwang ginawa ni Myrtle sa isang Lavapedes na kalaunan ay naging dalawa. Ugh! Napansin ko nga ang pagdoble ng mga kalaban namin kumapara sa dami nila kanina ng dumating kami. "So what's the plan?" tanong ni Bubble at nagkumpulan kami sa mataas ng lugar. "Since Carlie can't protect us by their flames, I'll do the defense. Azure, lead the offense and make sure na mapupulbos niyo sila." tumango sila at pumalibot sa sakin, pinagigitnaan nila ako. Binalot ko ang aking sarili gamit ng aking itim na aura at ganoon din ang ginawa nila. Pinaikot ko na parang isang baton ang aking Scepter sa ere at mula sa Akaro stone ay lumabas ang Black Aura na pumalibot sa aming lahat, ito ang magsisilbi namin shield. Walang makakatagos mula sa labas ngunit ang nasa loob ay makakalabas gaya na lamang ng sandata ni Bubblegum na tumagos sa katawan ng isang Lavapede at bigla na lamang nagkawatak watak iyon na parang hinating laman ng hayop. Sunod sunod na ginawa iyon ni Bubble. Kasunod noon ang sandata ni Flax na mas hiniwa pa ang mga iyon sa mas pinong piraso at saka nagpaulan ng malakas si Azure na nagdulot ng pagbaha. Sa isang iglap ay nagpakawala ng matinding Wind Strike si Myrtle gamit ang pinagpatong na Windial Fans niya na naging dahilan upang mabalot ng yelo ang aming nga kalaban. Great! "Chammy!" napalingon ako sa aking likuran dahil sa malakas na boses ni Teal. Ngunit imbis na mukha niya ang makita ay isang higanteng Lavapede na bumubuga ng apoy ang bumungad sa akin. Hindi ako handa! Nawalan ako ng focus at tumagos ang apoy nito papunta sa akin. "Astrid!" sigaw ni Azure at naramdaman ko ang isang pwersa ng malamig na tubig ang nagtulak sa akin upang hindi matamaan ng atake ng lecheng Lavapede na iyon. Ngunit mabilis itong nakasunod sa akin at nakagat ang kaliwa kong paa. Ugh not again? Scarlette's POV "Carlie! I need you! Cover me up! Face your fear!" sigaw ni Teal sa akin na animo'y hindi ako malapit sa kanya. What the heck happened to my bestfriend? Tinitigan ko si Chammy na tila nahihilo. Napaupo siya sa kanyang Black Disc at hinilot hilot ko ang sentido. Oh no, mukhang nakagat siya ng Giavapede. "Hoy stinky ugly creature! Kami ang harapin mo!" sigaw ni Teal sa Giavapede na hinahabol sila Myr, Flax, Bubble at Silver. Napansin ko ang unti unting pagkatunaw ng yelo sa aming ibaba. Hindi ito maganda! Hindi talaga dahil pakiramdam ko ay bibigay na si Chammy anytime. Pinilit niyang makatayo subalit hindi siya nagtagumpay. She's in pain, nanganganib ang grupo namin habang ako ay pabigat lamang sa kanila. Isang Light Arrow ni Teal ang nakita kong dumaan sa harapan ni Chammy! As in sobrang lapit na napapikit siya dahil sa liwanag na dala noon! Tumama iyon sa kanang mata ng Giavapede at lumingon ito sa pwesto namin ni Teal saka umungol ng malakas. Sht. Ginalit niya ito! Kinakain ako ng kaba at takot! Tingin ko anytime ay hihimatayin ako pero kailangan nila ako. "Oh my Chammy! Nakagat ka ba ng Giavapede?" pasigaw na tanong ko upang makasiguro. Kanina pa ako naghihinala dahil sa mga kinikilos niya. Hindi na siya halos makagalaw! Giavapedes have their own special ability. "Azure! Si Chammy!" napahiga na siya ng wala sa oras at tanging mga mata niya na lamang ang kanyang naigagalaw. Binuhat ni Azure si Chammy at nakita kong ginagamot niya ito. "A....aim for its ab....domen." dahil sa trauma ay inalam ko ang kahinaan nito gamit ang masusing pag-aaral. "I'll take its attention, aim for its weka spot." utos ni Teal at nagsimulang magpaulan ng mga arrows. Teka ako? Bakit ako? Ugh. Napasinghap ako at naramdaman ko ang kaba kasabay ng pagkirot ng nga galos ko. "Guys! Kayo na ang bahala s amga nasa ibaba!" sigaw ni Azure sa iba pa naming kasama. "I'll keep an eye on you Ast." saad ni Azure at itinapat niya sa nagdurugong kaliwang paa ni Chammy ang kanyang kamay na nababalutan ng bughaw na liwanag. Nagawang ipaling ni Chammy ang kanyang ulo. Great! Ako lang ang walang silbi dito. "Carlie! Where are your guts?" I she shouted at me at lumingon siya sa akin. She's pushing me hard. Gusto niyang maovercome ang takot na matagal ko ng dinadala. "Show me how awesome you are Scarlette Phyre." panunuya ni Teal. With his words, it's like my fire starts to ignite. Kakaibang pakiramdam ang dumadaloy sa akin. Sa salita ni Teal, nakumbisi akong kaya kong harapin ang takot ko. Inayos ko ang aking Vermilion Gun. I showed my fire burning wings at lumipad ako paitaas. Nahati ang aking Fire Shield dahil naiwan ko si Teal pero hindi ko na iyon inalala pa. Mabilis akong nagtungo sa Giavapede, sinalubong ko iyon at inihampas sa ulunan nito. It needs a distraction. Mahihilo ito dahil sa ginawa ko. Bumalik akong muli sa tabi ni Teal at inasinta ang Giavapede gamit ang scope ng aking baril. Hindi makagalaw ng ayos iyong Giavapede dahil sa ginawa ko at kinuha ko ang pagkakataong iyong upang manalo kami. I can do this right. Halos nawalan na kaming dalawa ni Teal ng shield dahil napunta lahat iyon sa aking baril. Parang buong pwersa ko ay hinihigop nito. Isang pulang marka ang nakita ko sa bandang gitna ng Giavapede. Target locked. Agad kong kinalabit ang gatilyo at isang malakas na pwersa ang lumabas mula doon. Isang ray of fire ang mabilis na lumabas mula sa Vermilion Gun patungo sa aking minarkahang parte. Bull's eye! Halos mapatalsik ako ng malayo dahil sa impact pero tumama ako sa isang pader, I mean tao pala. Kay Teal na nakangisi sa akin. Sumabog ang katawan ng Giavapede at bumagsak ang mga piraso nito sa lupa. Mabilis na pinino iyon nila Flax at Bubble saka iyon binalot sa Water Space ni Azure at pinahanginan ni Myrtle kaya naging isang bola iyon ng yelo. "Hah? Walang Elemental doon? Walang Oratians?!" windang na tanong ni Chammy at tumango kami ni Teal na ngayon ay pawisan. Tinulungan nila si Chammy upang makaupo dahil hirap pa rin siya. "Guni guni ko lang pala ang inakala kong Elemental. I'm sorry Chammy." kasalanan ko. Kung hindi sa maling akala ko, hindi namin magigising ang Giavapede. "Sorry din at hindi ko nasabing napaparalisa ang sino mang makagat ng Giavapede. Pasensya na talaga." niyakap ako si Chammy. "It's not your fault. You're the one saved us. Thank you Carlie." bulong niya sa akin at kahit papano ay nakaramdam ako ng ginhawa. "Chammy?!" napalingon ako kay Myrtle na nakaturo sa bulsa ng bestfriend ko pinagmumulan ni kulay lilang liwanag. Kinuha ko ang compass sa loob ng kanyang bulsa. Nakita ko ang mas light pang kulay ng lila, kumikinang, maliit iyon at bilog na galing sa bilugang yelo sa itaas ng Mt. Pednian. "Woah woah!" manghang sambit ni Silver at lahat kami ay napanganga ng mapunta sa compass, sa likod ng compass. "Flip it Carlie." saad ni Flax at mas lalo kaming nagulat sa nangyayari. That small, shining light violet circle was absorbed by the mark at the compass' back. Napunta iyon sa incomplete circle, iyong nasa puno na nagsisilbing design ng compass. Anong nangyayari?! Even Chammy is shocked, wala kaming alam tungkol dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD