TOM - 19

1169 Words
Scarlet Phyre 3rd Person's POV Matapos nilang magulat sa pagkakaabsorb ng design ng compass sa mas light violet aura, naisipan nilang umalis agad at magtungo sa Aeriakis Region. Iyon ang tinuturo sa kanila ng compass. "Guys wait." inilabas ni Teal ang journal at natigil sila sa gitna ng paglalakbay. Bumukas iyon sa sunod na pahina at muling nagkaroon ng sulat. Powers will be tested To find the Unifications Collect the Glistermos And Corbisla will be completed Hanggang sa makahanap sila ng matutuluyan upang makapagpahinga ay ginagambala pa rin ang isipan nila ng mga katagang kanilang nabasa. "Ano ba kasi yung Corbisla at Glistermos?" inis na tanong ni Teal. Halata sa mukha niya ang frustration. Bumukas ang pinto ng isang kwarto at lumabas si Carlie na may kakaibang aura. Parang hindi siya iyong Salamander na takot na takot noong nasa Mt. Pednian sila. "Maybe Corbisla is the mark at the back of the compass, the incomplete circle on top of the tree." saad nito at tumabi kay Chammy. Kinuha nito ang suklay sa dalaga at siya na ang nag-ayos ng buhok nito na basa. "Then, Glistermos, the ray from the Giant Lavapede we have encountered." halos lahat sila ay napanganga sa tinuran ng dalaga. "Teka teka! Alam kong matalino ka Carlie, pero you're not showing it. Not with in front of everyone." napalayo si Chammy kay Carlie. Tinitigan niya ito mula mukha, sa damit na hindi nito karaniwang sinusuot at sa nakasulapid na buhok nito. "You're not my Carlie! Sino ka?" tinutok ni Chammy ang kanyang Scepter sa dalaga ikinatawa nito ng malakas. Ang iba nilang kasama ay nakatitig lamang sa kanila. "Easy guys! Ako si Scarlet! Masama bang magdamit ng ganito? Mag voice out ng nalalaman ko?" she pouted at unti unting nawala ang kunot sa noo ng kanyang bestfriend. "Oha! This is Carlie! Iyong fierce! Matapang! Hot-ugh!" siniko ni Carlie si Teal na nakatitig sa kanya habang nakangisi. "Thank you Teal. Nakawala na ako sa trauma ko. Tingin ko ay nabunutan ako ng tinik ng mapatay ko iyong higanteng lavapede." ngumiti ang dalaga ng pagkatamis tamis kay Teal na halos tumulo na ang laway dahil sa pagkakabukas ng kanyang bibig. "If it wasn't by you, maybe I'm still stuck with my fear. Thank you for breaking those chains that hinder me for being the real me." walang nagawa ang binata kundi ang tumango at muling sinuklay ni Carlie ang buhok ni Chammy na hindi makapaniwala sa nasaksihan niya. "Hindi ka ba naninibago kay Carlie?" tanong ni Teal sa kanyang pinsan matapos nilang kumain. "Not really. Ganyan naman siya kapag kaming dalawa lang. Minsan nga naiisip kong mas matalino ata siya sa akin, sadyang di niya lang pinahahalata." sagot ni Chammy at tumingin sa kanyang bestfriend na hawak hawak ang journal. "I still love her, even if she's fiercer by now." nagkibit balikat si Chammy sa tinuran ng kanyang pinsan. "Chammy! Practice tayo!" paanyaya ni Carlie at sumang ayon naman ang isa. Napagpasyahan nilang manatili doon ng higit sa labindalawang oras upang makabawi sila ng lakas. Kagaya ng naunang nangyari ay nilagyan ni Champagne ng Black Shield ang bahay na tinutuluyan nila ngunit mas malaki na ang sakop nito ngayon dahil isinama nila ang bakuran ng bahay na puno ng prutas at gulay. Doon kumuha si Flax ng nga rekados na ginamit nito sa kanilang pagkain. "Wow Carlie! Ang galing!" halos maisigaw iyon ni Chammy dahil natamaan ni Carlie ang isang Chena na nasa dulo ng shield. "Huy! Wag kayong maingay." sita ni Myrtle na nagbabasa ng libro. "Teka, saan ka pupunta Chammy?" takang tanong ni Carlie. "Nagugutom na naman ako eh." iniwanan nito si Carlie at kumindat sa pinsan niyang sumenyas sa kanya. "Teal!" gulat na bigkas ni Carlie ng biglang sumulpot si Teal sa kanyang gilid. Dala dala nito ang kanyang sandata. Tila magsasanay rin ito. "Let's play a game. Whoever shoots first with a bullseye win." tumango si Carlie at agad ipinorma ang kanyang sandata. "Teka? Saan ang bullseye?" tanong ni Carlie at itinuro ni Teal ang kanyang noo at dibdib. Nakuha naman agad iyon ni Carlie at nagtago siya sa isang haligi ng bahay habang ang lalakeng Wisp ay tumatakbo na animo'y ano mang sandali ay susugod na ito. Unang nagpaulan ng atake si Teal habang si Carlie ay puro pag-iwas lamang ang ginagawa. "Avoiding won't do anything good Carlie." Teal smirked at biglaang lumapit sa dalaga gamit ang kanyang White Disc. Sa gulat ni Carlie ay naihampas niya paitaas ang dulo ng kanyang baril at tumama iyon sa panga ni Teal. Naalog ata ang utak ng binata pero hindi niya iyon ininda. "Hala! Sorry! Hindi ko sadya!" agad siyang dinaluhan ni Carlie at hinawakan ang namumulang parte ng kanyang mukha. "I'm good. Let's start again." pinagpagan ni Teal ang kanyang damit pero agad niyang hinubad ang pang-itaas niyang basa ng pawis. "Huy! Bakit ka naghuhubad!" nakatakip ang isang kamay ni Carlie sa kanyang mga mata habang ang isa ay nakatukod sa kanyang Vermillion Gun. "Being distracted eh?" Teal played with his lips, not minding the frown on Carlie face. "Tapusin na nga natin ito!" sumakay na rin si Carlie sa kanyang Fire Disc at sinugod si Teal. "Not so fast Delhott!" panunuya ni Teal at nagpatuloy sa pag-iwas sa pag atake ng dalaga. Paminsan minsan siyang nadadaplisan ng mga Fire Blades ng dalaga ngunit balewala iyon sa kanya. "Hindi ba tayo makakatawag ng pansin dahil sa ginagawa nila?" tanong ni Silver na nanonood sa laro ng dalawa nilang kasama. "Hindi siguro. Nakafocus si Chammy sa kanyang shield eh." kumagat muna si Bubblegum sa kanyang rice balls saka itinuro si Chammy na nakaupo sa isang sulok, nakapikit at tila malalim ang iniisip. Napalingon ulit sila sa dalawang kasamang naglalaban ng makarinig ng sunod sunod at bahagyang malalakas na atake. "Puro ka iwas! Akala ko ba walang maidudulot iyon?" pagtataka ni Carlie at bigla siyang sinalubong ni Teal. "I ain't avoiding you, I'm waiting for the right moment Carlie." mahinang saad ni Teal at kumindat pa. Nakatutok sa binata ang baril ni Carlie at sasapul na sana ang pinakawalan nitong atake kung hindi lang dumulas sa kamay niya ang kanyang sandata. Sa itaas iyon tumama na lumikha ng kakaibang tunog. Bumagsak ang baril niya sa lupa. "I'm the winner." nakangising bulong ni Teal na nakahawak sa bewang ni Carlie. Nasa lapag ang Luster Bow nito ngunit nakahawak siya sa isang arrow na nababalot ng liwanag. Nakatutok iyon sa kaliwang parte ng dibdib ng dalaga. "Yeah right you won." pagsuko ni Carlie at itinulak si Teal upang makaalis sa bahagyang pagkakayakap ng binata sa kanya. Iyon nga lamang ay mas humigpit ang hawak sa kanya ni Teal at mas lalo silang nagkalapit. Halos magtama na ang tungki ng kanilang mga ilong kung hindi lamang bumaling sa ibang direksyon ang dalaga. "Wanna know a secret? You're the winner. Years ago you already shoot me in my weakest spot. And the truth is, I fell for you so madly Carlie." ibinulong ni Teal iyon sa kanyang tenga at naramdaman niya ang pag-akyat ng kanyang dugo sa kanyang mukha. Napakagat sa kanyang pang-ibabang labi si Teal ng marinig niya ang pilit na tawa ng dalagang kaharap niya. "Is this one of your pranks? Nakakatawa Teal." muling tumawa ng pilit si Carlie. Binitiwan siya ni Teal at tinalikuran siya nito. Bakas sa mukha nito ang pagkairita. "Yan ang hirap sa inyong mga babae, kapag nagbibiro iyon ang sineseryoso pero kapag nagseryoso, sasabihin niyong biro iyon? Nakakabadtrip. Mahirap kayang umamin ng deretsahan!" dinampot nito ang kanyang bow and quiver with arrows. Umalis ito sa harapan ni Carlie at tila nanigas ang babaeng Salamander sa kanyang kinatatayuan. "Oh? Anyare? Bakit nakabusangot iyang mukha mo pre?" tanong ni Flax sa kanyang kaibigang pasalampak na umupo sa isang upuan. "Parehas silang magbestfriend! Mga turtle likes!" kumunot ang noo ni Chammy dahil sa tinuruan ni Teal. Itinuro pa siya ng pinsan niyang hindi maipinta ang mukha. "Anong turtle likes? Bakit ako nasama sa usapan niyo? Ikaw na nga ang tinulungan ko ako pa ang turtle like?" takang tanong nito at bahagyang itinaas ang isang kilay. "Slowpoke, mabagal pumick up ng mga paramdam at pahiwatig." makahulugang tumingin ang sumagot na si Azure kay Chammy bago ito nagpatuloy sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan. Kasama nito si Flax na itinatatabi ang mga natira nilang pagkain na binabalak niya sanang baunin. "Hoy di ako slow! Anyway, baka nabigla mo siya? In time baka magets niya rin. Basta wag ka susuko! Fan ako ng TeaLet!" natatawang saad ni Chammy at tinapik tapik ang balikat ng kanyang nanlulumong pinsan. "Teka puntahan ko muna si Carlie hah?" masigla itong umalis saakanyang kinauupuan. "Mga babae talaga." puna ni Teal bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga at ginulo ang buhok niya dulot ng inis at frustration na nararamdaman. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay nag-iba ang timpla ng binatang Wisp. Umangat ang gilid ng kanyang labi dahil sa napagtanto. "I like that TeaLet though." napalitan ng ngisi ang kanyang simangot ng maunawaan ang sinabi ng kanyang pinsan. "Dude, ang corny." pang-iinis ni Azure pero hindi na siya pinatulan ng nakangising binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD