Tricky Wyvern
Champagne's POV
Tanghaling tapat ng makarating kami sa Aeriakis Region at nasa ibaba na kami ng aming destinasyon, ang Nimbusco Tower.
Dahil sa mataas ang kinaroroonan noon at maulap pa doon ay naisipan na naming gamitin ang aming mga pakpak.
"Holy creature!" halos makita kong kuminang ang mga berdeng mata ni Myrtle dahil sa creature na natatanaw namin. Mahimbing itong natutulog sa tabi ng tore.
"I told you guys, legendary creatures ang paggagalingan ng Glistermos." napatango ako dahil sa sinabi ni Carlie.
"Seriously guys? Do we really need to kill this awesome creature?" naiiling na tanong ni Myr.
I can't blame her, first time naming makita ang nilalang na ito. Sa mga libro ko lamang nababasa ang tungkol dito.
Myrtle loves books, its characters, the settings, the creatures. At masasabi kong isa sa mga inaasam niyang makita o maalagaan ay ang kagay ng nasa harap namin.
"But we have to...."
"Shut up you playboy." nakita ko ang pag-irap ni Myrtle.
Ugh. Mahihirapan kami sa isang ito kapag nagkataon.
"Myr, malay mo may natitira pang ganito sa Sacred Fortress." saad ni Bubblegum.
"But I can't kill it! Ayoko Bubble!" pagmamaktol ni Myrtle.
"What do you want then Myr? Let the beast kill us instead? Lure our race and make us its food?" malalim na boses ni Azure ang nangibabaw sa aming lahat.
"Pero..."
"That's enough Myr. Marami ng napatay ang beast sa lahi natin. We can't afford to lose more." pagsabat ni Carlie.
"Ako na ang bahala sa kanya." bulong sa aking ni Flax.
Sa isang iglap ay nakulong ni Myr sa isang Earth Cage na pinalibutan ko ng Black Aura.
"Hoy pakawalan niyo ako! Ano ba?!" sigaw siya ng sigaw.
"Flax, ilayo mo na si....." natigil ako sa pagsasalita ng makaramdam ng malakas na pagbuga ng hangin sa aking likuran.
Dahan dahan kaming lumingon ng katabi kong Carlie at tumambad sa amin ang higanteng nilalang na kanina lamang ay natutulog doon sa pinakamalaking ulap sa Aeriakis Region.
"Wynvern." bulong ni Carlie.
Di hamak na mas nakakatakot ito sa personal.
Lamang ang kulay berde sa katawan nito kaysa sa bughaw, at naghuhumindik sa pagkapula ang nga mata nitong nakatingin sa amin.
Ito ay kawangis ng isang Dragona ngunit di gaya ng huli ay dadalawa lamang ang mga paa nito dahil ang dalawa pa ay ang nagsisilbing kamay para sa kanya.
May ulo ito at pakpak na kagaya sa Dragona ngunit ang katawan, paa, at buntot ay kagaya ng sa isang reptile.
"Chammy!" hinigit ako ni Carlie na agad lumipad palayo sa Wyvern.
She's still my Carlie, maybe a fiercer one.
Agad akong nagpakawala ng mga atake mula sa aking Scepter.
Pero nagbounce back iyon pabalik sa akin.
"The Wyvern got a Reflective Shield!" sigaw ni Teal.
Mas tinaasan ko ang aking lipad at ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.
Nagpatuloy kami sa pag-iwas at pag-atake sa Wyvern ngunit ni bitak sa kanyang shield ay hindi namin mailagay!
Nakakataranta! Bumibilis na ang kilos nito! We're in danger!
Pinalipad ni Azure ang kanyang sandata subalit bumalik ito sa kanya ng wala man lang naidulot na sakit sa kalaban.
Si Teal ay nagpaulan ng mas maraming Light Arrows ngunit halos kami ang tamaan ng mga iyon ng bumalik sa amin ang atake niya.
Carlie fired a shot but still, nothing gets through the shield.
Nagsasayang lamang kami ng mana at energy!
Bubblegum tried her pearls, iyon nga lamang ay sa shield lang iyon tumama.
Silver quickly moved papalapit sa Wyvern at buong lakas siyang ipinatama doon ang Dualsword niya.
"Silver alis!" sigaw ko ng makitang maglalabas ng kung anong enerhiya ang Wyvern mula sa bibig nito.
"It can fire ice? What in Arkaios is this?" nabalot ng yelo ang mga arrows ni Teal na pinakawalan niya ng hindi magtagumpay si Silver sa atake nito.
"Got any idea Chammy?" tanong ni Carlie at napailing ako.
Si Myrtle lang naman ang makakaisip ng paraan dahil sa siya lang rin ang may kakayahang gumawa ng Reflective Shield.
"I'll talk to Myr. Kayo muna dito baka may nalalaman siya tungkol sa Wyvern na lingid sa ating lahat." mabilis kong tinungo si Myrtle na nagwawala sa ibaba.
Myrtle's POV
Tumulo ang mga luha ko ng patuloy silang nagpapaulan ng mga atake sa Wyvern!
I wanna save that poor creature! Hindi na sila naawa!
"Myr! You've got to help us!" sigaw ni Chammy sa akin.
Nakita kong tumulong na rin si Flax sa ginagawa nila sa itaas.
I've got an idea.
"Oo na! Tutulong na! Bakit pa kasi iyong Wyvern ang kailangang paslangin?!" pakunwaring naiinis kong saad.
"That's our Myrtle!" nakangiting saad ni Chammy.
Tsk. Our Myrtle? Kay Flax lang ako eh, kaya sana kay Azure ka na lang.
"Flax! Pakawalan mo na si Myr!" sigaw ni Chammy at biglang gumuho sa gilid ko ang Earth Cage na ginawa ni Flax.
Tsss. Hampasin ko kaya siya ng libro?
Nauna ng lumipad si Chammy at sumunod ako.
"I'll go inside the shield!" I yelled at them.
Pinagsama ko ang aking Windial Fans at saka ko iyon buong pwersahang hinampas papunta sa shield ng Wyvern.
Dahil sa mga walang tigil na atake ng mga kasama ko ay nakalusot ang aking Wind Strike at nakaliha iyon ng manipis na hiwa sa Reflective Shield ng kawawang nilalang na nasa harap ko.
Mabilis akong lumipad papasok sa loob ngunit nauna ang Forrest Pearls ni Bubblegum sa akin.
"Bubblegum? What the heck?!" hindi ko na siya nagawang balingan dahil nakita kong pumasok sa loob ng Wyvern ang sandata ni Bubble.
Sht. Hindi pwede!
Napalaki ko iyong c***k sa shield at tuluyan iyong gumuho subalit nakakapagtaka, bakit si Bubblegum na may pulang mga mata ang nakikita ko.
"Bubble! Ano ba?" hindi niya ako sinagot at tanging paggapang ng mga vines patungo sa akin ang naramdaman ko.
"Myr!" tawag ni Flax at nakita kong sinugod niya si Bubble.
Teka naguguluhan ako?! Nawalan ng focus sa akin si Bubblegum at hinarap niya si Flax ng walang kahirap hirap.
She's not Bubblegum!
Mabilis dumulog sila Chammy ngunit maging sila ay nilalampaso lamang ni Bubblegum.
Mula sa bibig ng Wyvern ay lumabas ang Forrest Pearls ni Bubblegum.
Napatitig ako sa lumilipad na creature na nasa likod ni Bubble.
Parehas sila ng mga mata!
So the stories about Wyverns are true?! They can manipulate anyone they want!
But they need proper contact with their target. Mukhang ginamit nito ang aura na nakapalibot sa sandata ni Bubble.
"Myrtle! Ano bang nangyayari?!" tanong ni Teal at nakita kong marami na silang sugat samantalang si Bubblegum ay puro galos lamang.
"Just, ugh. Distract Bubblegum! She's being controlled by the Wyvern!" I need my bestfriend, I want her back.
Kung kanina ko pa siguro sila tinulungan, o mas inintindi ko sila kesa sa aking sarili, di na sana kami umabot pa sa ganito.
Mabilis akong lumipad patungo sa Wyvern ngunit humarang si Bubblegum sa akin.
"Bubble! Listen! I know you're inside there! Come on! Get back to your senses you mad eater!" sigaw ko ngunit muling gumapang ang vines niya sa aking katawan.
Nabitawan ko ang aking Windial Fans pero agad sumaklolo sa akin si Flax.
Pumalibot sila sa amin at inatake ng sabay sabay si Bubble.
Pasimple kong pinutol ang vines at swerteng nagawa ko iyon.
"Guys move!" napansin kong bubuga na naman ng yelo ang Wyvern!
Lumipad kami paitaas upang makaiwas habang si Bubblegum ay hawak hawak nila Azure at Teal.
Hindi kasing aggressive ng Giavapede itong Wyvern pero mas nakakatakot ang kapangyarihan nito di hamak sa nauna naming nakaharap!
Nagawa nilang ilayo sa akin si Bubblegum at kinunpas ko ang aking mga kamay at lumipad pabalik sa akin ang sandata ko.
Tumitig sa akin ang Wyvern at nakita kong mas naging mapula ang mga mata nito!
I readied my fans pero tumalsik ako papalayo.
"Ugh." humampas sa aking katawan ang malapad na buntot ng Wyvern!
Ang sakit! Sana walang nadurog na buto sa akin! Ugh!
Tumama lang naman ang aking likod sa Nimbusco Tower!
Sumusobra na ang creature na minsanan ko ng binalak protektahan at itakas!
Makirot man, lumipad ako pabalik sa Wyvern.
I can't recall its weak spot! Nabablangko ang utak ko!
Paikot ikot lamang ako, umiiwas sa bawat atake ng Wyvern.
Please naman oh!
Napansin kong marami ng sugat at pasa si Bubblegum pero hindi pa rin siya tumitigil.
Kung hindi ko pa ito matatapos ay baka mahuli na ako. Baka hindi ko mailigtas si Bubblegum.
"Hoy ano ba? Bitawan mo ako!" sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naikulong ako ng Wyvern sa malamig niyang kamay.
Oh no. No. Dead end? Ugh!
Yumukod ito at inamoy amoy pa ako bago ibibuka ang kanyang bibig!
Hindi ako nakaramdam ng takot kundi saya, gotcha nasty Wyvern!
Pinalipad ko ang aking Windial Fans upang mahati ang kamay ng Wyvern at nakawala ako!
"Myrtle!" boses iyon ni Flax pero hindi ko na siya nilingon sa halip ay ninamnam ko ang init ng aking aura na unti unting bumabalot sa akin ngayon.
Mabilis akong pumasok sa loob ng Wyvern at napangisi ako ng isarado niya ang kanyang bibig.
This is how I imagined it!
Tumuntong ako sa malagkit nitong dila at hindi na ininda ang pagkadiri ko doon.
Inipon ko ang aking lakas at mabilis na umikot sa aking pwesto habang nakasilay sa gilid ko ang aking Windial Fans.
I created the most amazing Tornado in my entire life! Pero kagaya sa mga libro, iilan lang ang nakakakita sa pinakamaganda at pinakamatinding atake ng bida. And unluckily, ako lang ang makakakita ng sa akin.
Sinama ko ang Windial Fans sa Tornado at tila naging isang tao iyon na may dalawang maninipis na kamay!
Diretso iyong tumama sa ngala ngala ng Wyvern na siyang pinangagalingan ng enerhiya nito na nagiging yelo kalaunan.
Tumalsik ang kulay greenish blue nitong dugo at agad akong gumawa ng Shield upang hindi ako matalsikan!
Iyon nga lamang ay halos masuka ako dahil alam kong pabagsak na sa lupa ng Wyvern.
Nagtuloy pa kasi ang Tornado ko papunta sa kaloob looban nito pero without my Windial Fans. Pinabalik ko sila agad sa akin, mahirap na baka mawala.
I created a hole on the Wyvern's cheeks at agad na hinanap ng aking mga mata si Bubblegum.
Nanlumo ako.
I failed. Hindi gaya sa mga librong nabasa ko, hindi ko nagampanan ng maayos ang role ko.
I failed my bestfriend.
Mabilis akong pumunta sa ulap na kinalalagyan nila. Sumisikip ang aking dibdib dahil sa itsura ni Bubblegum. Wala siyang malay na nakahiga habang nakaunan ang ulo niya sa hita ni Silver.
Azure's healing her pero mukhang maliit lamang ang epekto noon.
Nangingnig man, inabot ko ang mukha niya at hinaplos ang kanyang pisngi na may pasa.
"This is all my fault." umiiyak kong sambit habang nakahawak sa malamig na balat ng aking matalik na kaibigan.