Myrtle Gwynt
3rd Person's POV
Binato ni Myrtle ang librong nasa harapan niya.
"Effin books! Napahamak siya dahil sa inyo, I mean dahil sa pagkabulag ko sa fictions, sana matulungan niyo rin ako na mapagaling siya!" sigaw niya at itinapon ang lahat ng nasa loob ng isang pot na nasa gilid niya.
Muling kumuha ng isang libro si Myrtle at nagsalin ng kung ano anong likido at herbs doon sa isa pang pot.
"Ugh! I told you guys! Huwag niyo akong guluhin!" napairap siya ng marinig muli ang katok mula sa kwartong pansamatala niyang kinalalagyan.
"You need to eat Myr! Hindi matutuwa si Bubble kapag nakita ka niyang ganyan!" sigaw ni Chammy na nasa labas ng kwarto.
"As if namang makikita niya ako! She's there lying and having a hard time because of my stupidity! She's too cold that I thought she's already dead for potion's sake!" muling tumulo ang luha ng dalaga dahil nagbalik sa isipan niya ang kaganapan noong nakaraang araw.
Ni hindi niya na napansin ang pagdagdag mg Glistermos doon sa Corbisla dahil sa labis na pag-iyak.
Nawalan siya ng malay at si Flax ang bumuhat sa kanya hanggang sa makakita sila ng matutuluyan malapit sa Darkentis Region.
"You'll eat or I'll feed you?" nagitla si Myrtle dahil sa pamilyar na boses na iyon.
"How....?" hindi niya naituloy ang kanyang tanong dahil agad siyang sinubuan ni Flax ng isang bite size rice ball.
"You can continue whatever it is that you're doing but I'll stay here until you're full." isang maotoridad na saad ng binata.
"Why don't you hunt your next girl? I'm busy here, I can't flirt with you Flax." umirap ang dalaga at patuloy na hinalo ang kumukulong likido sa loob ng pot na nasa harapan na niya ngayon.
"I'm not going to flirt anymore. I'm going to be serious this time, with you." natigil sa kanyang ginagawa si Myr at tumitig kay Flax.
"Oh no Flax, not me. I know your game, and I know that I'm a better player than you. Wanna bet on that?" ngumisi ang dalaga at hinarap niya si Flax.
"I'll bet on that if you're going to be mine." ngumisi si Flax at napabuntong hininga si Myr.
"Fine. I'm already your girl. But this is just a temporary relationship. You'll lose Flax Craigen Floresmi Mountus." tumawa si Myr at umuling si Flax.
"What's between you and me is permanent, cause I am so damn in love with you Myrtle Gwynt Windlow Wingfey." hinapit ng binata si Myrtle at marahan itong hinagkan.
Napapikit ang dalaga at sandaling ninamnam iyon bago siya kumalas.
"Do you really think I still believe in those fiction romantic books that a casanova can change just because of a girl? Hell no. I know the rules of this game called love." she flipped her hair at sinalin ang kulay rosas na potion sa isang botelya.
"I'll break the rules just for you." inilapag ni Flax ang isang tray na may kumpletong pagkain para sa dalaga at lumabas gamit ang pintuan.
Nasulyapan ni Myrtle si Champagne at Teal na nakangisi sa kanya habang nakasilip sa siwang ng papasarang pinto.
Napasapo siya sa kanyang noo.
"Hindi pa rin ito tatalab!" tinapon muli ni Myrtle ang mga naunang potions na nagawa niya pasalampak siyang umupo sa sahig.
Kita na niya ang papalubog na araw, inabot na siyang muli ng gabi dahil lamang sa paggawa ng lunas para kay Bubblegum.
"Myrtle!" Dinner na!" narinig niya ang boses ni Carlie ngunit wala siyang maisagot kundi ang kanyang mahihinang paghikbi.
"I though you already learned your lesson? Why don't you try to create your own potion instead of basing it on your books?" hindi na siya nagulat sa pagsulpot ni Flax.
May dala na naman itong pagkain. Lumapit siya dito at hinalikan ang binata sa pisngi.
"Might as well be your best girlfriend, even just for a short time." kumindat pa Myr saka sumubo ng pasta na niluto ni Flax.
Si Flax ay hindi makagalaw dahil sa nangyari, talagang pinaninindigan ni Myr ang pagiging girlfriend nito sa kanya pero ang hindi nalalaman ng dalaga ay hindi na siya kailanman pakakawalan ng binata. Hindi na ngayong napansin na siya nito.
Si Myrtle naman sa kabilang banda ay nakakaramdam ng mga paru paro sa kanyang kalamnan dahil sa ginawa niya. Pero pilit niyang pinapaalala sa sarili niya na isang playboy ang minahal niya, at maaaring matapos ang sa kanila ano mang oras. Kaya naman minabuti niyang mauna sa paggalaw upang siya rin ang unang mang-iiwan, para hindi iyon gaanong kasakit para sa kanya.
It's better to leave than being left, that's what she thinks.
Nakatapos na sa pagkain si Myr ay hindi pa rin umaalis ang nakamasid na si Flax sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga sa mga babae mo? Todo bantay?" pagbasag ni Myr sa katahimikan nila at ngumisi si Flax.
"I'm not like this before, but your so special that I can't take my eyes off you." sagot nito at umirap ang dalaga. Dakilang playboy talaga, napakagaling magsalita.
Naglagay sa isang kumukulong kulay puting likido si Myrtle ng dinurog na balat ng Melgo, fruit juice ng roseainbow, tubig ulan, ilang petals ng Lavkura at luha ng isang Dragona.
Lahat iyon ay baon baon niya.
Naging kulay light pink ang likido at mas lumapot pa iyon lalo na ng mahalong mabuti.
"It's done! Finally! I'm coming for you Bubble!" saad niya at dali daling lumabas ng kwarto upang puntahan si Bubblegum.
Malamig pa rin ang katawan nito ngunit wala na ang mga pasa habang ang mga sugat niya ay naghilom na.
Nakamasid ang iba niyang kasama sa kanya ng pinainom niya lahat kay Bubblegum ang dala niyang potion.
"Effective ba yan? Baka naman mas lumala yang si Bubble?" panunukso ni Teal at siniko siya ni Chammy.
"Dude, mali ka. Effective eh." tinuro ni Azure ang kamay ni Bubblegum na gumagalaw.
Unti unti ang maputlang balat nito ay bumabalik sa dati nitong kulay at nawawala na rin ang lamig sa katawan ng dalagang Pixie.
"Gising na siya!" halos sabay sabay nilang sambit.
"I'm hungry." ani ng dalaga na kinukusot ang mga mata.
"Bubblegum! Sorry! Kasalanan ko!" agad niyakap ni Myr ang bagong gising na si Bubblegum.
Bakas kay Bubblegum at nais niya sanang magtanong kaso ay walang tigil sa pagsasalita ang bestfriend niyang si Myrtle.
"Napahamak ka because of me! Sorry talaga!" napaiyak na muli si Myrtle lalo na ng makitang ayos na ulit ang kanyang matalik na kaibigan.
"But you're also the one who saved her, who saved us." saad ni Flax.
"Dude hah? Simpleng porma." nakangising pansin ni Silver at sinapak siya ni Flax dahil doon.
"Teka Myr! Di ako makahinga! Kung makayakap naman ito parang muntik akong mamatay!" natatawang sabi ni Bubblegum.
"Muntikan na nga." sabat ni Carlie at nalaglag ang panga ni Bubblegum.
"ANO?! Teka ano ba talagang nangyari?" gulat na tanong nito.
Napatitig ito kay Myrtle na hindi mapakali, naghihintay ng kasagutan si Bubnlegum na wala palang kamalay malay sa mga naganap sa kanilang grupo.
"Ano, kasi eh. Nalimutan kong sabihin sa inyo na kayang magmanipula ng Wyvern, Elementals man o kawa creatures. Pero di ko naman kasi alam na totoo iyong nabasa ko! Kala ko ay kalokohan lang!" pag-uumpisa ni Myrtle.
"The Wyvern manipulated you and we fought against you." hinagod ni Chammy ang likuran ng naguguluhang si Bubblegum.
"Kung tumulong ako sa inyo agad, hindi na ito nangyari pa sana sayo. Sorry Bubblegum!" yumakap muli si Myrtle sa dalaga.
"Sus! Wala yun! Alam ko ang pagkahumaling mo sa Wyvern, sa iba pang creatures na nababasa mo sa libro. I understand your sentiments about them." nakangiting saad ni Bubblegum ngunit umiling ng mariin si Myrtle.
"There's a fine line between reality and fantasy. And I've learned my lesson, reality first before fantasy." pinalis ni Myrtle ang kanyang mga luha.
"Alam mo Bubble! Lupit mo rin eh! Galing ng battling skills mo!" puna ni Silver na ikinapula ng mukha ni Bubblegum.
"Hala nag blush siya!" puna ni Teal na ginatungan ni Azure hanggang sa nagkaasaran na silang lahat.
"Bubblegum kain tayo!" hinila ni Myr si Bubblegum na nangingislap ang mga mata dahil sa pagkakarinig sa salitang kain patungo sa dining area ng bahay.
"Takaw ah? Nahuhumaling ka na ba sa mga luto ko?" panunuya ni Flax ngunit hindi umimik ang dalaga. Sa halip ay pinagsilbihan na lamang nito ang halatang gutom ng si Bubblgum.
Ang iba nilang mga kasama ay nagpasya ng matulog dahil sa maaga pa silang aalis bukas.
"Thank you for saving me Myr." ani Bubblegum habang kumakain.
"I'm the one who should give thanks to you. You slapped the reality to me, I'm glad that I'm not stuck in those fiction books anymore." isang matamis na ngiti ang isinukli ng magkaibigan sa isa't isa.
Matapos kumain ay natulog na rin si Bubblegum habang si Myr ay nagpaiwan upang magligpit ng kanilang pinagkainan.
"There's also a fine line between you and me, and it is spelled as L-O-V-E." Flax suddenly appeared and cupped Myrtle's both cheeks.
Naestatwa ang dalaga dahil sa kiliting nadarama niya at hindi na siya nakapalag pa ng halikan ng binatang Gnome ang kanyang noo.
"Goodnight my princess. You did pretty well this day and yesterday. I'm so proud of you Myrtle." pahabol nito bago taas noo at nakangising naglakad pabalik sa kwartong tutulugan niya.