Day 3 Champagne's POV Kinurap kurap ko ang aking mga mata. "Holy Coonies!" ano bang nangyari?! Ang tanging naaalala ko ay ginamot ako ni Bubble, pagkatapos ay umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay nang makauwi si Erra. Mabuti at nalusutan ni Teal ang mga tanong ng batang nakapigtails! Naiwan si Azure sa ibaba dahil matindi ang tinamo niyang mga sugat. Kidlat yung kalaban niya eh! Tapos siya tubig ang kapangyarihan, malamang sa malamang dehado talaga siya. Ngunit pagbukas namin sa pinto ng kwartong itinuturo ng compass ay sumalubong sa amin ang kakaiba at masakit sa ilong na amoy. Pagkatapos ay wala na akong matandaan. "Teal! Teal!" tawag ko sa aking pinsan. Lahat kami ay nakaangat sa ere at nakagapos sa nagkakapalang vines na nagmumula sa bintana ng kwarto. Ang compass ay

