Day 2 Champagne's POV Isang makipot, paikot ikot at nakakahilong daan ang aming tinatahak. "Hoy hindi ka ba nahihilo o naliligaw man lang sa daang ito?" tanong ko kay Erra na nasa unahan ko lamang. "Syempre po hindi! Photographic Memory is my Elixe." kumunot ang noo ko at napabagal ako sa paglalakad. Ano nga ulit yung Elixe? "Gaga it's their power, ang mga Xeins na gaya ni Erra ay mayroong Elixe." siniko ako ni Myrtle at bahagya akong napahiya. Mabuti pa siya marami ng alam sa mundong ito. Unti unti, nakaalis kami sa pagitan ng matatayog na istruktura hanggang sa napunta na kami sa isang gubat. Parang dito rin kami nanggaling noong dumating kami sa Glimrae. Mula sa kalayuan ay natatanaw ko na ang isang two storey house. Hindi ko alam kung anong tawag sa materyales na ginamit para

